Kylie Verzosa, may delayed reaction sa pagpuri ni Paris Hilton sa kanyang outfits

by Jojo Gabinete
6 days ago
kylie verzosa outfit
Miss International 2016 Kylie Verzosa on Binibining Pilipinas 2022: "For me, ang ganda ng production value ng Binibining Pilipinas ngayon and every year, parang umaangat siya. Happy ako for all the winners. I think yung nanalo ng [Bb. Pilipinas-International], fit siya sa peg ng Miss International."
PHOTO/S: @kylieverzosa on Instagram

Noong June 2022, pinuri ng American socialite na si Paris Hilton ang crochet outfit ni Kylie Verzosa na ginamit nito bilang judge ng isang segment ng It’s Showtime.

Tinanong ni Paris kung saan nanggaling ang damit ni Kylie na umagaw ng kanyang atensiyon.

kylie verzosa

"That’s hot," sabi naman ni Paris tungkol sa isa pang kasuotan ng former beauty queen-turned-actress.

Continue reading below ↓

kylie verzosa

Read: Paris Hilton on Kylie Verzosa's Y2K-inspired OOTDs: "That's Hot!"

Bihirang makausap ng entertainment press si Kylie, kaya nang magkaroon ng story conference ang pelikulang pagsasamahan nila ni Marco Gumabao, ang Baby Boy, Baby Girl noong Martes, August 2, saka lamang siya natanong ng showbiz reporters tungkol sa reaksiyon niya sa papuri sa kanya ni Paris.

Continue reading below ↓

“Hindi ako makapaniwala nung una kasi I had to double, triple check kung siya ba talaga yun, and then nag-comment siya sa another video.

"Sabi ko, 'Oh my God, baka siya nga.' Siyempre, nakaka-flatter and happy ako noon," nakangiting kuwento ni Kylie.

Dagdag niya, “Gusto kong sabihin, parang less than 2K [P2,000] yung outfit, na-appreciate pa niya. Local brand, local designer yung [gumawa ng] outfit.

Hindi lang ako yung napasaya ko kundi yung stylist ko, yung glam team ko, yung tagagawa ng crochet outfit. Ang daming napasaya dahil na-appreciate ng isang international celebrity yung gawa sa Pilipinas at saka original design.”

Si Kylie ang nanalong Miss International 2016.

Ang Bb. Pilipinas-International title ang itinuturing ngayong most coveted crown sa beauty pageant ng Binibining Pilipinas Charities Inc.

Inalam ng miyembro ng media ang opinyon ni Kylie tungkol sa kontrobersiyal na resulta ng coronation night na nangyari noong Linggo, July 31.

Read: May "Steve Harvey moment" ba sa announcement ng winners ng Binibining Pilipinas 2022?

Continue reading below ↓

Read: Management of Catriona Gray, Nicole Cordoves addresses Binibining Pilipinas 2022 announcement issue

Read: Did Karen Laurrie Mendoza just throw shade at Binibining Pilipinas 2022 results?

Read: Binibining Pilipinas 2022 winners Nicole Borromeo, Gabrielle Basiano address alleged crown mix-up

Ayon kay Kylie, “For me, ang ganda ng production value ng Binibining Pilipinas ngayon and every year, parang umaangat siya.

“Happy ako for all the winners. I think yung nanalo ng [Bb. Pilipinas-International], fit siya sa peg ng Miss International.

“May iba rin akong friends at saka ibang tinuruan na nanalo so I’m very happy for them. Ang ganda nila, ang ganda ng mga queen ngayon.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss International 2016 Kylie Verzosa on Binibining Pilipinas 2022: "For me, ang ganda ng production value ng Binibining Pilipinas ngayon and every year, parang umaangat siya. Happy ako for all the winners. I think yung nanalo ng [Bb. Pilipinas-International], fit siya sa peg ng Miss International."
PHOTO/S: @kylieverzosa on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results