Anak ni Cesar Montano kay Sandra Seifert, first time makilala ang mga kapatid sa ama

by Jojo Gabinete
4 days ago
cesar montano children
Corinth Ian (left), Cesar Montano's six-year-old son with former beauty queen Sandra Seifert, attended the 60th birthday of his father. It was the first time that he was able to meet his half-siblings.
PHOTO/S: Instagram

Kumpleto ang siyam na anak ni Cesar Montano nang magdiwang ng 60th birthday ang aktor na may Hippies '60s theme sa Clubhouse ng Tivoli Royale noong Lunes, August 1, 2022.

Read: Cesar Montano celebrates 60th birthday "with my children all present"

"Masaya" ang reaksyon ni Corinth Ian sa birthday party ni Cesar na dinaluhan dahil nakilala niya ang lahat ng kanyang mga kapatid sa ama.

Si Corinth Ian o Coco ang artistahing six-year-old son ni Cesar kay Sandra Seifert, ang international model, former television host, at Miss Philippines Earth 2009 winner.

cesar montano son corinth ian

Continue reading below ↓

Unang nakilala noon ni Coco sina Liam at Samuel, ang kanyang mga kapatid na halos kaedad niya at mga anak ni Cesar sa current partner nito na si Maria Socorro Angeles.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nakilala at nakaharap nang personal ni Coco sa birthday party ng kanyang ama ang ibang mga kapatid niya — si Angela, ang panganay na anak ni Cesar sa yumaong asawa nitong si Marilyn Polinga; ang tatlong anak na babae ng aktor kay Sunshine Cruz; at si Diego Loyzaga, ang anak ng aktor kay Teresa Loyzaga.

cesar montano children

Continue reading below ↓

Kahit hindi nagkatuluyan, magkaibigan at maganda ang relasyon nina Cesar at Sandra dahil bukas ang kanilang komunikasyon, alang-alang sa kapakanan ng anak nila.

In fact, si Sandra ang gumawa ng magkakatulad na Hippie outfit ni Coco at ng tatlong maliliit na anak ni Cesar sa birthday party nito.

Isang mahusay na fashion designer si Sandra at siya ang may-ari ng Suravilla, ang modest fashion and custom women’s wear online shop na nagmula ang pangalan sa maiden name ng kanyang ina.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Corinth Ian (left), Cesar Montano's six-year-old son with former beauty queen Sandra Seifert, attended the 60th birthday of his father. It was the first time that he was able to meet his half-siblings.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results