Hindi scoop news ang pagpanaw ng isang tao. Pero sa kagustuhang huwag mahuli sa balita, nag-unahan ang ilang legitimate news outlets sa Pilipinas sa paglalabas kagabi ng mga report tungkol sa pagkamatay ni Cherie Gil.
- Award-winning actress and primera contravida Cherie Gil dies at 59
- Dina Bonnevie mourns death of "friend, sister, mentor" Cherie Gil
- Sid Lucero, Sunshine Cruz, Jon Lucas, other celebrities pay tribute to Cherie Gil
- Vilma Santos, Mikee Cojuangco, Atom Araullo saddened by Cherie Gil's death
Dahil walang fact checking, nagkamali sila sa kanilang inilagay na araw ng pagsilang ng multi-awarded actress.
Hindi totoo ang lahat ng mga nakasulat sa Wikipedia, pero dito ibinatay ng ilang news outlets ang kanilang ulat na isinilang si Cherie noong May 12, 1963.
Mali ang impormasyong iyon dahil June 21, 1963 ang tunay na araw ng kapanganakan ni Cherie, na siya mismo ang nagsabi sa nakaraang panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Si Sid Lucero ang nagkumpirma ng balita tungkol sa pamamaalam ni Cherie, pero napilitan lamang siyang magsalita bilang pamangkin ng aktres dahil nauna nang lumabas sa social media ang mga balita.
Kung si Sid ang masusunod, ang mga anak ni Cherie at hindi ibang tao ang gusto niyang maglabas ng opisyal na pahayag tungkol sa pagkamatay ng kanyang tiya.
Kanser ang sanhi ng kamatayan ni Cherie at inilihim niya sa publiko ang kalagayan ng kanyang kalusugan, pero alam ito ng pamilya niya.
Ang Legal Wives ng GMA-7 ang huling television series project ni Cherie noong 2021.
Iilan ang nakakaalam na nag-resign siya sa naturang programa, ibinenta ang lahat ng mga ari-arian niya sa Pilipinas, at bumalik sa New York.
Dahil sa pagkamatay ni Cherie, nagkaroon ng hinala ang mga taong may kinalaman ang karamdaman niya sa desisyong talikuran ang showbiz at umalis sa Pilipinas para makapiling ang kanyang mga anak at estranged husband na si Rony Rogoff na pawang mga naninirahan sa Amerika.
Isang kalbong Cherie Gil ang cover girl ng Mega Magazine noong August 2021 at ayon sa kanya, "rebirth" ang simbolo ng pagpapakalbo niya.
Pero napagtanto ng mga tao na posibleng may kinalaman pa rin ang karamdaman ng aktres sa ginawa nito.
Ipinagluluksa ng Philippine entertainment industry, ng pamilya, at mga kaibigan ni Cherie ang kanyang pagpanaw.
Nasa taping ng FPJ's Ang Probinsyano ang nakatatandang kapatid ni Cherie na si Michael de Mesa nang malaman nito ang malungkot na balita.
Ayon sa mga eyewitness account, iyak nang iyak si Michael sa loob ng sasakyan dahil sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal at nag-iisang kapatid na babae.
Ang veteran actress na si Rosemarie Gil at ang former singer-actor Eddie de Mesa ang mga magulang nina Michael, Cherie, at Mark.
Si Mark Gil ay pumanaw noong September 1, 2014 dahil sa liver cancer.
CHERIE AS A SINGER
Hindi na alam ng mga kabataan ngayon na isang mahusay na singer si Cherie at may hit song siya noong 1979, ang "Boy [I Love You]," ang Tagalog cover ng Japanese song ng Nail Clippers, ang grupo ng Serrano siblings na sumikat noong dekada '70.
Sixteen years old si Cherie nang ilunsad siya ni Mother Lily Monteverde ng Regal Films bilang lead actress ng Problem Child, ang pelikulang ipinalabas sa mga sinehan noong February 1,1980.
Mula noon, kinilala si Cherie bilang mahusay na aktres at sa malaking kontribusyon niya sa pelikula at telebisyon.
CHERIE'S GUIDE FOR ACTORS’ ETIQUETTE
Sa kanyang pagpanaw, nag-iwan si Cherie ng mga importanteng aral, ang Actors Etiquette, na isinulat niya noong December 2018 na dapat sundin ng mga baguhang artista dahil marami ang matututunan nila.
Kung mahirap makalimutan ang kanyang walang kamatayang linya sa 1985 blockbuster movie na Bituing Walang Ningning na "You’re nothing but a second-rate trying hard copycat," nagmarka rin sa publiko ang paalaala ni Cherie sa mga baguhang aktor na "Please don’t call me Tita!"
May banta rin siya noong sasampalin at lalayasan niya ang sinumang artista na tumitingin sa cell phone o nagre-retouch ng make-up sa blocking o reading ng kanilang mga kukunang eksena.
"Certain actors’ etiquette are not taught in some acting workshops. And I think they should be.I personally think the following and NOT in the order of importance
"NEVER ever kiss me in greeting, out of so called politeness and courtesy, if I don’t know who the hell you are! Introduce yourself first.
"And pllleeeaaasssee don’t call me TITA unless we are blood related (or super super close fam friends)
"NEVER ever echo the directors' instructions to your co-actor in the scene.
"Never TEACH your co-actor or tell her/him how he should do the scene or his part UNLESS you need something from the actor which would help you in your own process. BUT ask kindly and humbly.
"NEVER look to your cellphone or retouch while blocking/reading a scene ( I promise I’ll either slap you or walk out on you )
"NEVER ever let ANY actor wait for you when called to the set ESPECIALLY senior actors.
"Art is a collaboration. And there is always room to learn from and grow with one another. So ... please throw your effing ugly EGO out the window.
"There are various kinds of EGO by the way. Learn the difference. KEEP the good kind which is necessary for creativity and your own preservation of self-worth!"