Christine Bermas, may girl-to-girl love scene sa Lampas Langit

by Jojo Gabinete
Aug 6, 2022
Christine Bermas, Lampas Langit
Christine Bermas (left) on love scene with Chloe Jenna: "Sa totoo lang, first time ko talaga. Both of us, hindi kami prepared. Naging successful naman yung ginawa namin ni Chloe pero hindi naman ganoon ka-intense."
PHOTO/S: @christinebermas_ Instagram / Lampas Langit trailer

Itinodo ni Christine Bermas ang pagpapaseksi at paggawa ng intimate scenes sa Scorpio Nights 3 dahil hinigitan at nilampasan pa niya ang paghuhubad sa harap ng kamera ng ibang mga sexy star na bida sa erotic movies na napapanood sa Vivamax.

Ang kapangahasan na ipinamalas ni Christine sa Scorpio Nights 3 ang dahilan kaya ano pa ang mga ipakikita niya ang tanong ng entertainment press sa digital media conference ng Lampas Langit na ginanap kahapon, August 5, 2022.

Ang Lampas Langit ang follow-up project ni Christine sa Scorpio Nights 3 at ayon sa kanya, iba ang genre ng bagong pelikula niya.

"Erotic thriller movie ang Lampas Langit. Ibang genre siya for me. Isa akong manipulator so mas naging challenge itong role for me.

"Hindi ako ganoon ka-wild especially sa love scenes namin. Inisip ko na hindi siya katulad ng movies na ginawa ko before. More on acting siya," ang pahayag ni Christine tungkol sa karakter na ginagampanan niya sa Lampas Langit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang girl-to-girl love scene nila ng aspiring sexy star na si Chloe Jenna ang isa sa mga itinuturing ni Christine na bago sa mga ginawa niya sa pelikula kaya nakaramdam siya ng pagka-ilang nang kunan ang nabanggit na eksena.

"Sa totoo lang, first time ko talaga. Both of us, hindi kami prepared. Naging successful naman yung ginawa namin ni Chloe pero hindi naman ganoon ka-intense.

"Ano talaga kami sa isa’t isa, parang ilang, pero since nag-usap naman kami ni Chloe, ginawa na lang namin para ma-experience na rin namin,” ang natatawa na sabi ni Christine.

Ang singer-actor na si Jeffrey Hidalgo ang direktor ng Lampas Langit at ang award-winning writer na si Raquel Villavicencio ang sumulat ng kuwento ng pelikula.

Si Jeffrey ang nagkuwento na tawa nang tawa sina Christine at Chloe nang kunan niya ang love scene ng dalawa.

"First time ni Christine at first time din ni Chloe. Tawa sila nang tawa nung sinu-shoot namin yung scene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wala, actually yung scene na ‘yon, nag-revise kami ng scene but napag-usapan namin ni Raquel na it adds darkness sa pelikula.

"It’s really that kind of film, talagang pag-iisipin ka from start to finish, so we thought na it’s essential na gawin din ang girl-to-girl scene to mislead the audience kung ano na ba talaga yung nangyayari sa istorya."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Christine Bermas (left) on love scene with Chloe Jenna: "Sa totoo lang, first time ko talaga. Both of us, hindi kami prepared. Naging successful naman yung ginawa namin ni Chloe pero hindi naman ganoon ka-intense."
PHOTO/S: @christinebermas_ Instagram / Lampas Langit trailer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results