Regine Velasquez, ipinakilala na bilang regular co-host ng Magandang Buhay

by Jojo Gabinete
Aug 8, 2022
magandang buhay hosts
Asia's Songbird Regine Velasquez officially joins Melai Cantiveros and Jolina Magdangal as regular co-host of Kapamilya Channel's morning talk show, Magandang Buhay.
PHOTO/S: ABS-CBN PR Facebook

Apat na buwang naudlot ang pagdiriwang ng ika-anim na anibersaryo ng Magandang Buhay dahil nag-umpisa itong mapanood sa ABS-CBN noong April 18, 2016.

Pero ngayong Lunes, August 8, 2022, lamang naganap ang selebrasyon ng Kapamilya morning talk show.

Isinabay ito sa pagpapakilala kay Regine Velasquez bilang permanenteng co-host ng programa.

Sina Karla Estrada, Jolina Magdangal, at Melai Cantiveros ang mga orihinal na host ng morning talk show ng Kapamilya Network.

Sa ika-anim na taon ng programa, ipinakilala si Regine bilang kapalit ni Karla.

Read: Karla Estrada officially bids goodbye to Magandang Buhay after five years

Nang hingan si Regine ng pananalita, hindi niya nakalimutanng banggitin ang mga kontribusyon ni Karla sa TV show na iniwanan nito.

Pahayag niya, “Gusto rin nating magpasalamat siyempre kay Momshie Karla, who’s been with Magandang Buhay for six years.

"She has become part of the show so thank you very much and happy anniversary to you also. Siyempre, bahagi talaga siya ng Magandang Buhay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging guest co-host na noon ng Magandang Buhay si Regine, pero nakaramdam pa rin siya ng kaba nang opisyal siyang ipakilala bilang co-host nina Jolina at Melai.

“Actually, kinakabahan ako. Hindi ko alam, pang-ilang beses ko na dito but for some reasons, since I’m officially going to be part of Magandang Buhay, today, I’m so nervous. Kabadung-kabado talaga ako.

“Excited ako siyempre, very excited, but I’m just a little nervous. I don’t know why. Pero siguro kasi kasama yun ng kapag naging host ka, there’s a certain responsibility.

"But I’m happy. I’m very very happy to be part of the family of Magandang Buhay."

Para kina Jolina at Melai, wala nang hihigit pa sa regalo na kanilang natanggap sa 6th anniversary ng programa.

Ito ay ang makatrabaho si Regine na kasama nilang nag-record at kumanta ng bagong bersiyon ng theme song ng Magandang Buhay.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Asia's Songbird Regine Velasquez officially joins Melai Cantiveros and Jolina Magdangal as regular co-host of Kapamilya Channel's morning talk show, Magandang Buhay.
PHOTO/S: ABS-CBN PR Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results