Blessing ng K-lite 103.5 FM station sa Starmall, hudyat ng pagpasok ng Villar Group sa entertainment business

by Jojo Gabinete
Aug 8, 2022
manny villar k-lite
Villar Group Chairman Manny Villar in venturing into entertainment business: “We only look forward to recovery, especially after the pandemic and we hope to be able to help our fellow Filipinos through this venture particularly in generating jobs. I’m proud and grateful at the same time."

Ang paglipat at pagbabasbas sa bagong studio ng K-lite 103.5 FM station sa Advanced Media Broadcasting System (AMBS) Media Center sa Level 2 ng Starmall sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City, ang hudyat ng pagpasok sa entertainment business ng Villar Group.

Ayon ito kay former Senate President at Villar Group Chairman Manny Villar, na nagsalita tungkol sa kahalagahan ng entertainment industry sa pagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino.

Pahayag niya, “This marks the beginning of our venture into the entertainment business.

"We only look forward to recovery, especially after the pandemic and we hope to be able to help our fellow Filipinos through this venture particularly in generating jobs.

"I’m proud and grateful at the same time."

Nauna nang binuksan ang K-lite FM station sa Starmall, pero susundan agad ito ng pagbubukas sa October 2022 ng mga television studio sa Starmall ng AMBS2, ang TV network ng Villar Group.

Read: Tatlong sinehan ng Starmall, gagawing studios ng AMBS

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-umpisang mapakinggan sa airwaves ang K-lite 103.5 FM noong 1995. Naging popular ito dahil sa pagpapatugtog ng rhythmic contemporary music mula noong dekada ’90 hanggang sa kasalukuyan.

Ang K-lite 103.5 FM ang naging flagship radio station ng AMBS nang mabili ito ng Villar Group.

Sina DJ Jaybee Jariol at DJ Aly Esplana ang mga in-house disc jockey ng K-lite.

May live streams ito sa Channel 3 ng Planet Cable TV para sa Mega Manila at Region 4 Calabarzon subscribers, at live online streaming sa klite103.com.ph kaya mapapakinggan ito ng mga Pilipino sa iba’t ibang panig ng mundo.

Maririnig sa K-lite 103.5 FM tuwing Miyerkules ang mga hit song noong dekada '80, samantalang ang mga relaxing at soothing playlist ang alay nila sa mga tagapakinig tuwing Linggo.

Ang search for the next K-lite Kampus Krew, na bukas para sa lahat ng mga estudyanteng naghahanap ng internship program, at ang DJ Kampus Hunt para sa aspiring voice talents na may edad 18 hanggang 25 ang ilan sa mga paligsahang inilunsad ng K-lite.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mababasa ang mechanics nito sa social media platforms ng naturang station sa Facebook, YouTube, at Twitch.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Villar Group Chairman Manny Villar in venturing into entertainment business: “We only look forward to recovery, especially after the pandemic and we hope to be able to help our fellow Filipinos through this venture particularly in generating jobs. I’m proud and grateful at the same time."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results