Watch Now

AJ Raval, hindi gumawa ng action movie para pabulaanang buntis siya

by Jojo Gabinete
Aug 11, 2022
aj raval
AJ Raval on doing action movie Sitio Diablo: “Actually, dream ko po talaga ang mag-action. Nag-i-start pa lang po ako sa showbiz, dream ko na so happy naman po ako na nakagawa kami ng ganitong klase ng pelikula.”

Ang walang katapusang mga haka-hakang buntis si AJ Raval at ang paulit-ulit na pagtanggi nito ang posibleng dahilan kaya hindi na siya tinanong ng mga reporter tungkol sa isyu sa digital media conference ng Sitio Diablo ngayong Huwebes ng hapon, August 11, 2022.

Read: AJ Raval flaunts sexy body on IG Live: "Huwag na kayong masyadong nagpapaniwala sa chismis."

Buntis si AJ sa reel life dahil nagdadalantao ang karakter na ginagampanan niya sa Sitio Diablo.

Katuparan ng kanyang pangarap makagawa ng isang action movie dahil idolo ng sexy actress ang ama nitong si Jeric Raval.

“Actually, dream ko po talaga ang mag-action. Nag-i-start pa lang po ako sa showbiz, dream ko na so happy naman po ako na nakagawa kami ng ganitong klase ng pelikula,” paliwanag ni AJ tungkol sa desisyong gumawa ng action movie.

Pero hindi umano ito nangangahulugang gusto lamang niyang pabulaanan ang balitang buntis siya sa magiging anak nila ni Aljur Abrenica sa pamamagitan ng kanyang mga makalaglag-matris na action stunts sa Sitio Diablo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa mga action scene, ang love scenes nila ni Kiko Estrada sa pelikula ang itinuturing ni AJ na pinakamahirap na hamon sa kanya dahil “first time” ng leading man niya.

“Yung love scene po namin ni Kiko kasi umabot po kami sa point na napaso po ako ng sigarilyo. Nagkaroon po ako ng mga pasa sa katawan kasi first time po yata ni Kiko na makipag-love scene nang ganoon,” sabi ng sexy star.

Kinunan sa Baseco at Smokey Mountain sa Tondo ang mga eksena ng Sitio Diablo kaya nahirapan ang direktor na si Roman Perez Jr. dahil sa dami ng mga taong nanood ng shooting at sabik na makita nang personal si AJ.

“Nagkagulo ang buong Baseco at saka Smokey Mountain. Guguho talaga yung Smokey Mountain kapag nakita nila si AJ.

“Sobrang hirap. Mga dalawang libong tao ang humarap sa amin. Hindi namin mga kilala. Mga batang hubo’t hubad, mga basurero, mga mangangalakal,” kuwento ni Roman sa naranasan nila sa pagsasapelikula ng Sitio Diablo sa Tondo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval on doing action movie Sitio Diablo: “Actually, dream ko po talaga ang mag-action. Nag-i-start pa lang po ako sa showbiz, dream ko na so happy naman po ako na nakagawa kami ng ganitong klase ng pelikula.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results