Yumaong sprint legend na si Lydia de Vega, nagbida noon sa biofilm na "Medalyang Ginto"

by Jojo Gabinete
Aug 11, 2022
lydia de vega medalyang ginto
Naging bahagi ng Philippine movie industry ang pumanaw na sprint queen na si Lydia dahil siya ang bida sa Medalyang Ginto, ang kanyang bio-film na ginawa niya noong 17 years old siya.
PHOTO/S: File

Hindi pa naglalabas ng detalye tungkol sa lamay at burol ni Lydia de Vega na pumanaw dahil sa breast cancer noong August 10, 2022.

Read: Asia’s fastest woman Lydia de Vega passes away at 57

Pero iminungkahi ni Laoag City Mayor Michael Marcos Keon na kung papayag ang naulilang pamilya ng legendary track queen, na binansagan noong "Fastest Woman in Asia," gusto niyang magkaroon ng pagtitipon sa Gintong Alay training camp sa Baguio City para sa namayapang sports icon.

Si Keon ang dating executive director ng Gintong Alay, ang national sports program na nilikha ni former President Ferdinand Marcos noong October 1979 para sa pagtuklas ng mga Pilipinong track and field athletes.

Isa siya sa mga sumuporta noon kay Lydia.

Minsan nang naging bahagi ng Philippine movie industry si Lydia dahil ito ang bida sa Medalyang Ginto, ang kanyang biofilm na ginawa niya noong 17 years old siya.

Ang All Star Films ang producer ng Medalyang Ginto na mula sa panulat ni Edgardo Reyes at sa direksiyon ni Romy Suzara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sina Tony Santos Sr. at Perla Bautista ang mga gumanap na magulang ni Lydia, si Joseph Sytangco ang kanyang love interest, at si Dave Brodett ang nagbigay-buhay sa karakter ni Keon.

Ipinalabas ang Medalyang Ginto sa mga sinehan noong November 18, 1982.

Kinabukasan, opisyal na nagsimula (November 19, 1982-December 4, 1982) ang 9th Asian Games sa Delhi, India.

Si Lydia ang nagwagi ng medalyang ginto para sa Women’s 100 meters event, at nakatulong ang tagumpay niya sa Asian Games sa kanyang pelikulang palabas noon sa mga sinehan sa Pilipinas.

Inamin ni Lydia sa isang panayam noong November 1982 na nahirapan siya sa shooting ng Medalyang Ginto, pero nagustuhan niya ang pag-arte kaya naging malungkot para sa kanya ang huling araw ng shooting nila.

Makulay at madrama ang buhay noon ni Lydia kaya sinubaybayan ito ng sambayanang Pilipino, lalo na ang father-and-daughter relationship nila ng kanyang ama at mentor na si Francisco de Vega ng Meycauyan, Bulacan na kilala sa tawag na "Tatang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging kontrobersiyal at headline si Lydia ng lahat ng mga diyaryo nang muntik na siyang hindi makasama sa grupo ng Filipino athletes na lumaban noon sa Nanjing, China.

Natuloy lamang ang biyahe ni Lydia sa China nang makialam si former First Lady Imelda Romualdez Marcos.

Hindi naman nabigo si Lydia dahil dalawang medalyang ginto ang kanyang napanalunan, pati na ang karangalan bilang Most Outstanding Female Athlete.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naging bahagi ng Philippine movie industry ang pumanaw na sprint queen na si Lydia dahil siya ang bida sa Medalyang Ginto, ang kanyang bio-film na ginawa niya noong 17 years old siya.
PHOTO/S: File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results