Ang Probinsyano viewers, tinawag ang pansin ng MTRCB dahil sa mga madugo at bayolenteng eksena

by Jojo Gabinete
Aug 12, 2022
ang probinsyano
Pinuri ng iba ang mahusay na pag-e-execute ng action scenes, pati na ang pagganap ng mga artista sa FPJ's Ang Probinsyano, pero naalarma ang ilang manonood dahil sa mga bayolente, pagdanak ng dugo, at mga brutal na eksena tulad ng panggagahasa sa karakter na ginampanan ni Shaina Magdayao.
PHOTO/S: Kapamilya Channel

Ngayong Biyernes, August 12, 2022, ang huling gabi sa telebisyon ng FPJ's Ang Probinsyano, ang longest-running action drama television series ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Nag-umpisang mapanood ang FPJ's Ang Probinsyano noong September 28, 2015.

Tatlong administrasyon ng pamahalaan ang pinagdaanan nito—ang administrasyon nina former Presidents Benigno Aquino III at Rodrigo Duterte at ng kasalukuyang Pangulo ng bansa na si Ferdinand Marcos Jr.

Inaabangan ang pagwawakas ng Ang Probinsyano, sa kabila ng mga nakakabahalang eksena noong Miyerkules (August 10) at Huwebes (August 11) ng gabi.

Pinuri ng iba ang mahusay na pag-e-execute ng action scenes, pati na ang pagganap ng mga artista, pero naalarma ang ilang manonood dahil sa mga bayolente, pagdanak ng dugo, at mga brutal na eksena tulad ng panggagahasa sa karakter na ginampanan ni Shaina Magdayao.

Itinodo na ng Ang Probinsyano ang lahat ng mga maaksyon, madudugo at bayolenteng eksena kaya may mga nagtatanong tungkol sa posisyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa mga eksenang hindi angkop mapanood sa telebisyon ng maliliit at menor de edad na mga bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Thursday night episode ng Ang Probinsyano, limang miyembro ng Task Force Aguila ang pinatay—ang mga karakter nina Shaina, Raymart Santiago, Jay Gonzaga, Smugglaz, at Bassilyo.

Para sa ibang televiewers at online audience, masyadong bayolente at nakapangingilabot ang mga eksena.

Umaasa silang magkaroon ng masaya, may aral, positibo at, higit sa lahat, hindi na madugo na pamamaalam ang TV series na pinangungunahan ni Coco ngayong gabi.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinuri ng iba ang mahusay na pag-e-execute ng action scenes, pati na ang pagganap ng mga artista sa FPJ's Ang Probinsyano, pero naalarma ang ilang manonood dahil sa mga bayolente, pagdanak ng dugo, at mga brutal na eksena tulad ng panggagahasa sa karakter na ginampanan ni Shaina Magdayao.
PHOTO/S: Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results