Ang Probinsyano opisyal nang nagwakas pagkatapos ng pitong taon

by Jojo Gabinete
Aug 12, 2022
ang probinsyano finale
Ito ang ilan sa mga eksenang nasaksihan sa pagtatapos ng FPJ's Ang Probinsyano ngayong Biyernes ng gabi, August 12, 2022. Tumakbo sa ere ang teleseryeng pinagbibidahan ni Coco Martin sa loob ng halos pitong taon.
PHOTO/S: Kapamilya Channel

Pinatunayan ni Cardo Dalisay ang pagiging imortal hanggang sa huling gabi sa telebisyon ng FPJ's Ang Probinsyano ngayong Biyernes, August 12, 2022.

Nabuhay pa rin siya sa kabila ng sangkatutak na mga balang tumama sa kanyang katawan mula sa naglalakihang baril na gamit ng mga kalaban niya.

Walang naniwalang namatay ang karakter ni Coco Martin sa Ang Probinsyano nang ipakita siyang duguan at parang wala nang buhay.

coco martin ang probinsyano

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Alam ng lahat na hindi puwedeng patayin ang kanyang karakter bilang ito ang bida sa primetime drama action series ng ABS-CBN, na nagpaalam sa telebisyon makalipas ang pitong taon.

Napagod ang televiewers sa panonood sa extended shootout scenes ng mga karakter ng Ang Probinsyano.

Lalong bumigat ang kanilang pakiramdam dahil, maliban sa karakter nina Coco at Rowell Santiago, namatay ang lahat ng mga miyembro ng Task Force Agila, pati na ang mga kontrabidang sina John Arcilla at Raymond Bagatsing.

john arcilla ang probinsyano

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tulad ng report ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong June 27, 2022, binigyan ng importansiya ang Lola Flora character ni Susan Roces sa huling kabanata ng Ang Probinsyano.

Ipinakita ang mga eksena niya noong nabubuhay pa siya.

susan roces ang probinsyano

Read: Susan Roces, bibigyan ng magandang pamamaalam sa pagwawakas ng Ang Probinsyano

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumakabilang-buhay ang Queen of Philippine Movies noong May 20, 2022.

Sa eksenang dinalaw ni Cardo ang puntod niya sa sementeryo, ang tunay na kaarawan at araw ng kamatayan ni Susan ang nakalagay sa lapida ni Flora Borja-De Leon.

ang probinsyano

Binigyan din ng pagpapahalaga si Sharon Cuneta sa pagwawakas ng Ang Probinsyano dahil sa wedding scene nila ni Rowell, na may breakdown scene na tingin namin ay very unbecoming of a real president at tila nanghihingi ng acting nomination.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

sharon rowell ang probinsyano

Nagulat naman ang mga sumusubaybay sa action-drama series ni Coco sa paglitaw ni Julia Montes sa huling eksena dahil sa biglang pagkabuhay ng kanyang karakter.

julia coco ang probisnyano

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit half-body at long shot ang anggulo ng kamera sa eksena ng dalawa at sa kabila ng itim na T-shirt at jacket na suot ni Julia, hindi nakaligtas sa matatalas na mata ng manonood ang nagbagong korte ng katawan ng aktres, lalo na ng kanyang balakang.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ito ang ilan sa mga eksenang nasaksihan sa pagtatapos ng FPJ's Ang Probinsyano ngayong Biyernes ng gabi, August 12, 2022. Tumakbo sa ere ang teleseryeng pinagbibidahan ni Coco Martin sa loob ng halos pitong taon.
PHOTO/S: Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results