Julia Montes, nagbigay-pugay kay Coco Martin sa pagtatapos ng Ang Probinsyano

by Jojo Gabinete
Aug 12, 2022
coco martin julia montes ang probinsyano
Julia Montes to Coco Martin: "mula sa pangarap lng noon , ngaun naisakatuparan mo na ang pagdidirek at ang totoo ay higit pa ang binibigay at pinapakita mo … proud na proud ako sayo!"
PHOTO/S: Kapamilya Channel

Ramdam ang wagas na pagmamahal ni Julia Montes kay Coco Martin dahil sa kanyang appreciation post sa Instagram na isinabay niya sa pagwawakas ng FPJ's Ang Probinsyano ngayong Biyernes ng gabi, August 12, 2022.

Read: Ang Probinsyano opisyal nang nagwakas pagkatapos ng pitong taon

“Proud na proud ako sayo!” bahagi ng mensahe ni Julia para sa aktor.

Matagal nang napapabalitang karelasyon ni Julia si Coco, na binigyan siya ng importansya sa huling eksena ng Ang Probinsyano.

Kabuuan ng mensahe ng aktres (published as is): "Sa 7 taon na itinakbo ng Probinsyano …

"isa at Ikaw ang napakalaking parte ng Success ng buong show…

"sa dedikasyon , pagmamahal at sipag na binigay mo sa show , isang karangalan na mapanuod kang magtrabaho sa FPJAP… saludo ako sa puso na binibigay mo sa lahat ng ginagawa mo…

"mula sa pangarap lng noon , ngaun naisakatuparan mo na ang pagdidirek at ang totoo ay higit pa ang binibigay at pinapakita mo …

"proud na proud ako sayo!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang sorpresa para sa lahat ng mga sumusubaybay sa nagwakas na programa ang partisipasyon ni Julia sa huling eksena.

julia coco ang probisnyano

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nagkaroon ng mga haka-hakang nasa "interesting stage" ang aktres dahil may mga pumuna sa nagbagong korte ng kanyang katawan.

Nagkaroon ng espekulasyon noong June 2022 na buntis si Julia dahil napansin ng netizens na may mga nakatakip sa tiyan niya sa kanyang mga litrato sa Instagram.

Unang napabalitang nagsilang si Julia ng anak nila ni Coco noong 2019, pero walang pagtanggi o pag-amin mula sa magkabilang-panig.

Read: Showbiz insiders confirm Julia Montes has given birth

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Montes to Coco Martin: "mula sa pangarap lng noon , ngaun naisakatuparan mo na ang pagdidirek at ang totoo ay higit pa ang binibigay at pinapakita mo … proud na proud ako sayo!"
PHOTO/S: Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results