Watch Now

Sky Quizon, dedma lang sa gender discrimination

by Jojo Gabinete
Aug 14, 2022
Sky Quizon
Sky Quizon, hindi nagpapaapekto sa gender discrimination: “I don’t subscribe to any labels, I don’t subscribe to gender. Ang pagtingin ko sa tao, tao." (Photo: @skyquizon_ on Instagram)

"I am a heterosexual man, but I’m open to having relationships with anybody…with women, with men."

Naging kontrobersiyal ang pahayag na ito ni Sky Quizon nung naging housemate siya ng PBB Otso noong 2019.

Kaya sa digital media conference ng Boys Love series na Kumusta Bro?, inungkat ang topic na ito at tinanong ang baguhang aktor kung nakaranas ba siya ng diskriminasyon dahil sa kanyang sexual preference.

“More than the discrimination, yung tinawag ko na sakit ng lipunan na mentalidad sa PBB. Of course, yun lang ang kaya nila na ibato sa iyo.

“Yun lang ang kaya nila na ibato sa iyo na bakla naman iyan just because of how I present myself, how I look.

“They judge you based on how you talk, how you move.

“Of course, discrimination has always been there up until today, but I think my co-actors would be able to relate kaya nga we celebrate this BL series because we celebrate the individuality that we have regardless of gender,” ang pag-amin at pagbabahagi ni Sky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hangga’t maaari, hindi nagpapaapekto si Sky sa mga pang-iintriga sa pagkatao nito, pero diumano, may mga araw na apektado siya.

“How do I deal with it? I know myself more than these people. And there are people who know me for who I am, kung sino talaga ako at doon ako kakapit.

“But of course, merong mga araw na down ka, you get affected, but you just try and go back to knowing who you are.

“You are a good person and your gender does not define you.

“Ako, personally, I don’t subscribe to labels. I stick to what I have actually discussed on PBB.

“I don’t subscribe to any labels, I don’t subscribe to gender. Ang pagtingin ko sa tao, tao, kung paano ka tratuhin bilang tao, ganoon ko siya tatratuhin. Ganoon ako magmahal bilang tao.”

Postscript: Madalas na napagkakamalan si Sky na kamag-anak ng Comedy King na si Mang Dolphy at ng Quizon family dahil sa kanyang itsura at apelyido, pero wala silang relasyon sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Unang naging si Sky viral noong June 2018. Siya kasi ang kauna-unahang summa cum laude ng Department of Speech Communication and Theater Arts ng University of the Philippines College of Arts and Letters sa Diliman, Quezon City. Ang general weighted niya ay 1.193.

Ang Kumusta Bro? ang 10-part BL series na pinangungunahan ni Sky na mula sa direksiyon ni Real Florendo at napapanood sa Vivamax Plus streaming site.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sky Quizon, hindi nagpapaapekto sa gender discrimination: “I don’t subscribe to any labels, I don’t subscribe to gender. Ang pagtingin ko sa tao, tao." (Photo: @skyquizon_ on Instagram)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results