Ruffa Gutierrez, ipinaubaya na ng inang si Annabelle Rama sa Viva

by Jojo Gabinete
Aug 16, 2022
ruffa gutierrez
Ruffa Gutierrez on Viva big boss Vic del Rosario: “Nililigawan niya po ako para maging part ng Viva family pero mas mabilis nung mga panahon na yun si the late Donna Villa kaya sa Golden Lions po ako pumirma. And, of course, dahil nauna ang Regal Films. But you know, napakaliit po ng industriya kasi umiikot lang naman tayo in circles and now, after how many decades, two decades, I’m here now with Viva."
PHOTO/S: @iloveruffag on Instagram

Opisyal na ipinakilala si Ruffa Gutierrez bilang bagong contract star ng Viva Artists Agency (VAA), ang talent management arm ng Viva Entertainment, ngayong Martes ng hapon, August 16, 2022.

Ang nanay ni Ruffa na si Annabelle Rama ang namamahala sa showbiz career ng kanyang anak, pero ipinaubaya niya ito sa Viva Artists Agency dahil bawal na siyang mapagod at magkaroon ng mga alalahanin.

Kuwento ni Ruffa, “I remember there was a time in her life that the doctors said bawal na siyang mag-manage kasi bawal siyang ma-stress kaya medyo nag-lie low siya sa pagma-manage ng mga artista.”

Pero, mananatili pa ring co-manager ng kanyang career ang nanay niya.

“But because she’s my mom, she’s never gonna go away and I honor her.

"So, Viva will be managing my career, she will be there as my co-manager, and I just want my mom to be happy.

Kanina nga, binibiro ko si Boss Vic [del Rosario], 'Bigyan mo naman ng envelope si Mommy to make her feel important.' Masaya na ‘yan, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kunyari lagi siyang kasali. Kunyari, she’s always part of the equation, so let’s give it to her because we should always honor our parents, kahit na makulit si Mommy minsan. Kahit inaaway niya ako lagi, but that’s the way she is.

“Ang maganda kay Mommy ngayon, she has Boss Vic and the Viva family to handle my career.

"And she’s always gonna be a part of my life and my career, not only because she's my mom, but I think my mom also has a lucky streak.

"Anything mom touches also turns into gold, and marunong talaga siyang makisama sa mga tao.”

ruffa gutierrez vaa

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natatandaan ni Ruffa na kababalik pa lamang niya sa Pilipinas mula sa Amerika noong dekada ’80 nang magpakita ng interes ang Viva Films na kunin siya bilang contract star.

Pero hindi ito natuloy dahil pinili niyang pumirma ng kontrata sa ibang film outfit.

Pahayag niya, “I am very, very honored and excited to be a part of Viva Artists Agency.

"Since the 1980s, napakalapit ko na po sa aking Viva family, kay Boss Vic del Rosario.

"And the very first person that took me shopping po pagdating ko dito galing sa United States was the late Miss Mina Aragon," pagtukoy ni Ruffa sa namayapang asawa ni Boss Vic.

“Nililigawan niya po ako para maging part ng Viva family pero mas mabilis nung mga panahon na yun si the late Donna Villa kaya sa Golden Lions po ako pumirma. And, of course, dahil nauna ang Regal Films.

"But you know, napakaliit po ng industriya kasi umiikot lang naman tayo in circles and now, after how many decades, two decades, I’m here now with Viva."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy niya, “Matagal na po akong nililigawan ng Viva. Every time we would bump into each other, ‘O, kailan ka pipirma sa amin?’ So, ako naman, tawa-tawa lang.

But when we did Maid in Malacañang, I think it really sealed the deal because ang pinakamaganda with Viva is all my projects with Viva had been very successful from our first production—Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa Ngayon [1995] lahat ng pelikula na ginawa ko sa Viva puro naging successful.

"I think it just come with timing and, for me, this is the right time."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruffa Gutierrez on Viva big boss Vic del Rosario: “Nililigawan niya po ako para maging part ng Viva family pero mas mabilis nung mga panahon na yun si the late Donna Villa kaya sa Golden Lions po ako pumirma. And, of course, dahil nauna ang Regal Films. But you know, napakaliit po ng industriya kasi umiikot lang naman tayo in circles and now, after how many decades, two decades, I’m here now with Viva."
PHOTO/S: @iloveruffag on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results