Jason Abalos pinili ang Pantabangan Dam bilang background ng prenup pictorial nila ni Vickie Rushton

by Jojo Gabinete
Aug 16, 2022
jason abalos vickie rushton prenup pictorial
Jason Abalos and Vickie Rushton look regal in their Filipiniana outfits for their third prenup pictorial with the picturesque Pantabangan Dam as their background.
PHOTO/S: @thejasonabalos on Instagram

Nahalal si Jason Abalos bilang bokal o board member ng ikalawang distrito ng lalawigan ng Nueva Ecija noong May 9, 2022.

Read: Robin Padilla, Richard Gomez, Arjo Atayde, other celebs triumph in 2022 elections

Sa kagustuhan niyaang matulungan ang industriya ng turismo ng kanilang probinsiya, pinili niya ang Pantabangan Dam bilang lugar ng pangatlong prenup pictorial nila ng kanyang fiancée, ang former beauty queen-turned actress na si Vickie Rushton.

Read: Jason Abalos reveals he has been engaged to Vickie Rushton since September 2021

Sa pamamagitan ng social media, ikinuwento ni Jason na ang pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng kanyang mga kababayan sa Pantabangan, pero nawala ito dahil sa hydroelectric power plant na proyekto ni dating Pangulo Ferdinand Marcos Sr.

Nagsimula ang operasyon ng power plant noong September 1974.

Lahad ng actor-politician, “Pinili ko ang Pantabangan kung saan ako ipinanganak, para maipagmalaki sa lahat ang ganda nito.

“Pinalubog ang lumang bayan ng Pantabangan para bigyan daan ang pagpapagawa ng Hydroelectric Power Plant noong panahon ni President Marcos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasabay nito ay nawalan ng sakahan na pangunahing kabuhayan ng mga Pantabangeño. Napatubigan ang mga sakahan sa mga kalapit na bayan, at nakapag- supply ng kuryente na makakadagdag sa pangangailangan ng bansa."

Umaasa si Jason na makakatulong ang prenup photos nila ni Vickie para magkaroon ng interes ang mga turistang puntahan at pasyalan ang bayan na kanyang ipinagmamalaki.

Saad niya, “Hanggang sa ngayon, ang tanging maaasahan na ng mga kababayan ko ay ang palakasin ang turismo kaya iniimbitahan ko kayong lahat sa aming bayan.

“Marami ditong water sports na pwede gawin. Malinis ang simoy ng hangin at magaganda ang tanawin tuwing summer at mababa ang level ng tubig ay nagpapakita ang lumang simbahan sa gitna ng tubig.”

Kung susuriing mabuti, malalaman ng mga taong hitik sa kasaysayan ang bayan na kanyang sinilangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang makasaysayang simbahan na tinutukoy ni Jason ang paksa ng artikulo na inilabas ng Esquire Magazine noong July 30, 2020.

Lumubog sa tubig ang lumang bayan ng Pantabangan, kabilang ang 18th century na simbahan, dahil sa konstruksiyon ng Pantabangan Dam noong 1971.

Napilitang lumikas ang mga tao sa mas mataas na lugar na dahilan ng pagkakaroon ng bagong bayan, pero pansamantalang lumitaw ang naglahong lumang bayan nang magkaroon ng tagtuyot noong 1983.

Kasagsagan ng coronavirus pandemic noong July 27, 2020 nang muling "magpakita" sa mga tao ang simbahan ng Pantabangan na lumubog sa tubig.

Tila isa ito sa mga misteryong hatid ng pandemya na kakila-kilabot para sa mga residente ng naturang bayan.

Bahagi ng ulat ng Esquire: “On July 27, the Old Pantabangan Town returned again from the depths of the flood. The church, once a place of prayer, is now an ominous symbol of the country’s power shortages in the past decades and its desperate search for a solution that inundated an entire town."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“'Augustinian missionaries started to propagate the seed of Catholicism in Nueva Ecija then collectively part of Pampanga as early as 17th century in the pueblos of Gapang (Gapan), Santor (Bongabon), Puncan (Carranglan), Pantabangan, Aliaga and Cuyapo,' wrote Baniaga in his Facebook post, describing the history of the church’s ruins.

"Baniaga also appealed to visitors to the site not to take bricks as souvenirs.

“Huwag na rin po sana tayong manguha ng bricks at mga bato, huwag po nating gawing souvenir, dahil kung lahat po ng bibisita sa Lumang Bayan ay kukuha, baka po wala ng masilayan ang mga susunod na henerasyon.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jason Abalos and Vickie Rushton look regal in their Filipiniana outfits for their third prenup pictorial with the picturesque Pantabangan Dam as their background.
PHOTO/S: @thejasonabalos on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results