Ruffa Gutierrez, wala pa ring direktang pag-amin o pagtanggi sa kanila ni Herbert Bautista

Aug 16, 2022
ruffa gutierrez
Ruffa Gutierrez: “Para sa akin, hindi naman kailangan tanungin na i-prioritize ang love life or i-prioritize ang career. Understood na lahat ‘yan kasama na sa buhay natin. Ang pangit naman kung puro career na walang nagpapa-inspire sa 'yo. Ang importante, you know how to balance everything and live a well-balanced life."
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Sinabi ni Viva Communications founder at chairman Vic del Rosario na baka bumalik na rin sa Viva si Herbert Bautista dahil sa pagpirma ni Ruffa Gutierrez ng kontrata sa Viva Artists Agency (VAA).

Read: Ruffa Gutierrez, ipinaubaya na ng inang si Annabelle Rama sa Viva

Former contract star ng Viva Films si Herbert at siya ang rumored boyfriend ni Ruffa.

Sa naganap na contract signing ng aktres nitong Martes ng hapon, August 16, 2022, tinanong si Boss Vic kung posibleng magsama sina Ruffa at Herbert sa isang proyekto.

“Kung may magandang script, why not? Siyempre, artista pareho ‘yan, saka alam ko, malakas ang demand na mapagsama yung dalawa sa pelikula,” sagot ni Boss Vic.

Samantala, masaya at magiliw na tinanggap ni Boss Vic si Ruffa sa kanyang kompanya.

Aniya, “I’d like to welcome Ruffa. Dito sa VAA, lalong sisigla pa ang career niya.

"Alam mo naman, narating na niya yung dapat marating. Gagawan namin ng plano siya para lalo pang mag-expand ang kanyang potential bago siya mag-asawa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

vic del rosario ruffa gutierrez

Boss Vic del Rosario and Ruffa Gutierrez

Ikinagulat ito ni Ruffa at ng nanay nitong si Annabelle Rama, na nagkomento na “huwag nang mangarap” ang kanyang anak.

Read: Ruffa Gutierrez reacts to critics who say Herbert Bautista is not the marrying type

RUFFA'S LOVE LIFE

Nang kumustahin ang love life niya, mahaba ang sagot ni Ruffa. Pero gaya nang dati, hindi siya nagkuwento tungkol sa mga nangyayari sa kanyang personal na buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, "My God, para naman tayong teenagers! Nandiyan lang ‘yan.

"Ang love life naman, when you’re at this age, kailangan makinig sa mga bagay-bagay na mas mahalaga para sa atin, like our family, our career.

"We should be with a man that understands all that and can take the backseat when he has to, who support you when you need the support.

“Para sa akin, hindi naman kailangan tanungin na i-prioritize ang love life or i-prioritize ang career.

“Understood na lahat ‘yan kasama na sa buhay natin. Ang pangit naman kung puro career na walang nagpapa-inspire sa 'yo.

"Ang importante, you know how to balance everything and live a well-balanced life.

“Ang mga love life naman, puwedeng tahimik ‘yan. Hindi kailangan i-broadcast.

"A love life should just add spice to your life. It shouldn’t be the major priority,” makahulugang pahayag ni Ruffa, na walang itinanggi o kinumpirma tungkol sa matagal nang balitang nagkakamabutihan sila ni Herbert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruffa Gutierrez: “Para sa akin, hindi naman kailangan tanungin na i-prioritize ang love life or i-prioritize ang career. Understood na lahat ‘yan kasama na sa buhay natin. Ang pangit naman kung puro career na walang nagpapa-inspire sa 'yo. Ang importante, you know how to balance everything and live a well-balanced life."
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results