Sexy star Ava Mendez, kinikilig na inaming di nag-plaster sa daring scene nila ni Raymond Bagatsing

by Jojo Gabinete
Aug 18, 2022
raymond bagatsing ava mendez the escort wife
Ava Mendez: "Sa lahat ng mga sexy scene ko dati, hindi talaga ako nagpa-plaster. Kapag hindi ko kilala yung guy, parang naiilang ako, nagpa-plaster ako. Pero siyempre kay Kuya Mond, hindi ako nag-plaster.”
PHOTO/S: @raymondbagatsing / @avamendezofficial on Instagram

Ang revenge sexy movie na The Escort Wife ang pinakamapangahas na pelikula ni Raymond Bagatsing dahil pumayag itong maghubad nang todo sa mga intimate scene nila nina Janelle Tee at Ava Mendez.

Walang mag-aakalang fifty-plus na ang edad ni Raymond dahil physically fit ito at puwedeng-puwedeng makipagsabayan sa paghuhubad na ginagawa ng mga mas nakababatang aktor na napapanood sa sexy movies ng Vivamax.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero may paliwanag ang award-winning actor tungkol sa kanyang daring scenes sa The Escort Wife.

Ayon kay Raymond, “I think it was never a choice for me to bumalik sa, quote unquote, sexy scenes. I think it was just part of being an actor.

“Those scenes are part of a movie that was offered to me, that I liked the script, so it happened na may mga love scene, sex scene.

“I don’t really just see it as a sexy movie. I think it’s a masterpiece, written by Yam Laranas and directed by Paul Basinillo, and I believe well-acted by everyone in the cast."

Nang tanungin tungkol sa wildest adventure niya sa showbiz, ang paghuhubad sa harap ng kamera ang halimbawang sinabi ni Raymond dahil hindi iyon madali para sa kanya.

Saad niya, “I suppose yung mga baring scene sa mga love scene, yun ang wildest.

"It’s not easy to do kasi to bare, to be naked in front of the camera, siyempre, the crew, the director, and your co-actors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It takes a lot of focus, concentration na hindi siya makaapekto sa eksena, sa karakter mo.

“It’s very uncomfortable na mag-plaster tapos pareho kayong nakahubad.”

Nahinto sa pagsasalita si Raymond dahil sa biglang pagsingit ni Ava, na nagpa-cute nang magkuwento tungkol sa personal na karanasan niya sa lead actor ng The Escort Wife.

“Oh my God, may naalaala ako, Kuya Mond. Although sa lahat ng mga sexy scene ko dati, hindi talaga ako nagpa-plaster.

“Kapag hindi ko kilala yung guy, parang naiilang ako, nagpa-plaster ako. Pero siyempre kay Kuya Mond, hindi ako nag-plaster,” kinikilig na sabi ni Ava, pero siya lang ang natatawa at tuwang-tuwa sa kanyang ikinukuwento.

Patuloy na kuwento ni Ava, “Pinasabi ko kay Direk Paul. Sabi ko, 'Direk, baka mailang sa akin si Kuya Mond. Baka mamaya bigla akong sakalin kasi hindi ako naka-plaster.'

“Una, na-intimidate ako. Parang medyo nailang ako kasi ang tahimik ni Kuya Mond, hindi nagsasalita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nung natapos na yung scene namin, sabi ko okay naman pala si Kuya Mond. Kailangan pala i-approach mo siya. Akala ko masungit siya. Pero nung kinausap ko, okay naman pala."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ava Mendez: "Sa lahat ng mga sexy scene ko dati, hindi talaga ako nagpa-plaster. Kapag hindi ko kilala yung guy, parang naiilang ako, nagpa-plaster ako. Pero siyempre kay Kuya Mond, hindi ako nag-plaster.”
PHOTO/S: @raymondbagatsing / @avamendezofficial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results