Watch Now

Baron Geisler di gumamit ng plaster o prosthetics sa frontal nudity scene sa “Lampas Langit”

by Jojo Gabinete
Aug 19, 2022
lampas langit
Chloe Jenna, Baron Geisler, and Christine Bermas star in Vivamax Original movie Lampas Langit.
PHOTO/S: Vivamax

Dalawang beses nagkaroon ng media conference ang romance-thriller movie na Lampas Langit, pero parehong hindi ito sinipot ni Baron Geisler kaya walang idea ang entertainment press sa karakter na ginampanan niya sa pelikula.

May mga nagtaka sa hindi pagdalo ni Baron pero may nakapagsabing may "valid reason" ang hindi pagpapakita ng aktor sa digital mediacon at face-to-face presscon ng Lampas Langit.

Struggling writer ang role ni Baron at asawa niya ang aspiring sexy star na si Chloe Jenna sa pelikulang nag-umpisa ang streaming sa Vivamax ngayong Biyernes, August 19, 2022.

Imposibleng hindi pag-usapan at maging maingay ang Lampas Langit dahil sa mapapangahas na eksena nina Christine, Chloe, at Baron.

Kilala si Baron bilang mahusay na aktor at napatunayan na niya ito sa mga nakaraang pelikula na kanyang ginawa.

Magaling si Baron bilang struggling writer dahil sa kanyang natural at effortless acting kaya palaisipan sa mga nakapanood ng pelikula ang pagpayag niyang gawin ang frontal nudity scene sa Lampas Langit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Literal na lampas langit ang paghuhubad ni Baron sa Lampas Langit dahil hindi siya gumamit ng plaster o prosthetic para takpan ang pinakapribadong bahagi ng kanyang katawan na matapang niyang ipakita sa harap ng kamera.

Sinundan ni Baron ang yapak sa paghuhubad ni Sid Lucero sa Virgin Forest, pero hinigitan niya ang ginawa ng kapwa aktor na incidental lamang ang frontal nudity scene sa pelikula ni Brillante Mendoza.

Pinatunayan ni Baron na sa hanay ng mga kaedad niyang aktor gaya nina Sid, Mark Anthony Fernandez, at Raymond Bagatsing, siya ang pinakaagresibo at walang ni katiting na malisya sa pagpapakita ng hubad na katawan sa harap ng kamera.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chloe Jenna, Baron Geisler, and Christine Bermas star in Vivamax Original movie Lampas Langit.
PHOTO/S: Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results