Expensive Candy ni Julia Barretto, sa mga sinehan ipalalabas

by Jojo Gabinete
Aug 21, 2022
julia barretto carlo aquino expensive candy
Julia Barretto plays her most daring role yet in Expensive Candy opposite dramatic actor Carlo Aquino.
PHOTO/S: Viva Films

Pagkatapos ng Maid In Malacañang, ang Expensive Candy ang pangalawang pelikula ng Viva Films na magkakaroon ng theatrical release ngayong panahon ng pandemya.

Malaking hamon sa lead actress ng pelikula na si Julia Barretto ang ang nakatakdang pagpapalabas sa mga sinehan ng pelikula niya sa September 14, 2022 dahil sa box-office success ng Maid In Malacañang.

Read: Grupo ng Filipino-Chinese businessmen, nilinaw ang isyu sa pagbili ng tickets ng Maid In Malacañang

Ang Expensive Candy ang hudyat ng pagganap ni Julia sa daring, mature, at challenging roles.

Read: Julia Barretto, manggugulat sa Expensive Candy

Napanood na namin ang Expensive Candy at masasabi naming ito ang pinakamaganda sa lahat ng mga nakaraang proyekto niya.

Ang magandang kuwento, mahusay na direksiyon ni Jason Paul Laxamana, at magaling na pagganap nina Julia at Carlo Aquino ang ilan sa mga dahilan para tangkilikin ng mga manonood sa mga sinehan ang kanilang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inilabas na ang official trailer ng Expensive Candy sa iba’t ibang social media platforms nitong Sabado ng gabi, August 20.

Maraming papuri ang tinanggap ni Julia, na malaki ang posibilidad magkaroon ng acting nominations dahil sa kanyang pagganap dito.

JULIA IN DAVAO

Tiyak na ikatutuwa rin ni Julia ang encouraging at positive comments ng netizens na pinupuri ang fifth episode ng Juju on the Go, ang kanyang YouTube vlog tungkol sa pagbisita niya sa Davao.

Maraming mga bagong kaalaman na matututunan tungkol sa Philippine Eagle Center, Crocodile Farm, Butterfly Farm, at sa ibang mga tourist attraction sa Davao dahil sa kakaibang diskarte na ipinakita ni Julia.

julia barretto davao

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero aminado ang aktres na nagdalawang-isip siyang puntahan ang mga nasabing lugar.

Saad niya, “My Davao experience does not only focus on getting a fair dose of adventure or being tantalized by beautiful sceneries.

“What really caught my attention are the ones that stood out, the ones that must be put into our attention.

“At first, to be honest, I was hesitant to go to some of the places that we visited and before going to these places, I actually asked the tour guide a lot of questions, a handful of questions.

"But after exploring and learning from the experts, these animals are here for a reason.

“As Filipinos, being aware of the current state of these endangered animals is important because they are part of our identity and culture.

“We must strengthen the effort pioneered by these people and work hand in hand to encourage understanding of the wildlife because once they are gone, they are gone forever.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

julia barretto davao

May ilang netizens na inirerekomenda si Julia na maging celebrity ambassadress ng Department of Tourism dahil sa kanyang mga vlog na nagpapakita ng pagmamahal, pagpapahalaga, at pagmamalasakit sa mga likas na yaman at magagandang tanawin sa Pilipinas.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto plays her most daring role yet in Expensive Candy opposite dramatic actor Carlo Aquino.
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results