Watch Now

Rhen Escaño gusto nang kumawala sa sexy image: "Ayoko rin po na parang nakakahon ako."

by Jojo Gabinete
Aug 22, 2022
rhen escano
Rhen Escaño on rejecting offers to do daring projects: "Every time, nagpi-pitch sila sa akin o may ipinapabasa silang script, kailangan ko i-make sure na iba siya sa mga nagawa ko before or kailangan, naggo-grow ako as an actor."
PHOTO/S: @realrhen on Instagram

Humingi ng paumanhin sa entertainment writers ang sexy star na si Rhen Escaño dahil hindi nito napigilan ang pagpatak ng luha nang tanungin siya tungkol sa desisyon niyang maging mapili sa mga project na kanyang gagawin.

Nangyari ang pag-iyak ni Rhen sa digital story conference ng Secrets of a Nympho, ang original series ng Vivamax na pagbibidahan nila ng kanyang kapwa sexy star na si Ayanna Misola.

Ginanap ang story conference ngayong Lunes ng hapon, August 22, 2022.

Bakas sa nabasag at nanginginig na boses ni Rhen ang kagustuhan nitong kumawala sa kanyang sexy image dahil may ibang talento pa siyang puwedeng ipakita sa publiko.

Saad niya, “Noong unang beses po na pumayag akong gumawa ng sexy project, para sa akin, tinrato ko siya na meron akong cards sa kamay ko.

“Every time na may gagawin ka na ganoong proyekto, unti-unti mong tatanggalin yung cards na yun sa mga kamay mo at ayoko po siyang maubos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kailangan ko talagang piliin kung kailan ako lalapag. Importante rin sa akin talaga ngayon sa lagay ng career ko na mas makita ako ng mga tao na may iba akong ginagawa, mas challenging.

“Ayoko rin po na parang nakakahon ako. Parang nakikita lang ako ng mga tao na yun lang ang kaya kong gawin, which is hindi po.

"Sana po, mabigyan ng chance. Yun naman po ang lagi kong hinihingi na sana, mabigyan ng chance.

“Na makita nila… sorry guys… sana makita nilang may talent ka or may iba kang makakayang gawin. Sorry po…” dire-diretsong pahayag ni Rhen, na masyadong nadala ng kanyang damdamin na dahilan ng pag-iyak niya.

Napansin ang pagiging mapili ni Rhen sa pagtanggap ng mga project dahil sunud-sunod ang sexy movies na ginagawa at ipinapalabas sa streaming site na Vivamax, pero ibang mga sexy star at hindi siya ang bida.

Hindi pinabulaanan ni Rhen na tumatanggi ito dahil naghihintay siya ng mga proyektong gusto niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nag-aantay lang ako ng perfect o masasabi ko na tamang project for me.

“Para sa akin, nagawa ko na po kasi before. So, kung gagawin ko lang siya nang gagawin, anong bago ang maipapakita ko?

“So every time, nagpi-pitch sila sa akin o may ipinapabasa silang script, kailangan ko i-make sure na iba siya sa mga nagawa ko before or kailangan, naggo-grow ako as an actor.

"Kasi importante po sa akin yun and, of course, kapag nakikita tayo ng mga tao, gusto rin natin yung makita at ma-appreciate nila tayo bilang isang aktor dahil makikita nilang may iba tayong kayang gawin,” malalim na hugot ni Rhen.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rhen Escaño on rejecting offers to do daring projects: "Every time, nagpi-pitch sila sa akin o may ipinapabasa silang script, kailangan ko i-make sure na iba siya sa mga nagawa ko before or kailangan, naggo-grow ako as an actor."
PHOTO/S: @realrhen on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results