Watch Now

Julia Barretto, mas tumaas ang respeto sa sex workers matapos ang immersion sa Angeles City

by Jojo Gabinete
Aug 23, 2022
julia barretto expensive candy
Julia Barretto on her role as a sex worker in Expensive Candy: "It was very challenging. This movie really challenged me in a very physical way, mentally and emotionally, just being comfortable in the outfits that I had to wear, in front of a lot of different people."
PHOTO/S: Viva Films

Ipinakilala si Julia Barretto sa digital media conference ng pelikulang Expensive Candy bilang "Drama Royalty of the Century."

Ang karakter niya sa kanyang bagong pelikula ang pinakamapangahas at sultry dahil ibang-iba ang Julia na mapapanood sa big screen.

Read: Julia Barretto, manggugulat sa Expensive Candy

Hindi siya puwedeng humindi o tumanggi sa direktor na si Jason Paul Laxamana at ang magandang kuwento ng Expensive Candy ang ilan sa mga dahilan ni Julia kaya tinanggap nito ang proyektong sumubok sa kakayahan niya bilang aktres.

“Never akong makaka-no kay Direk JP kahit ano pa yung ibigay niya, ipagawa sa akin, hindi ako makaka-no.

“Number one, the story is really nice. Nung nabasa ko yung script, I immediately knew I wanna do it.

"Yes, I’m very excited to do it,” sabi ni Julia.

Kasama sa paghahanda ni Julia para sa karakter ni Candy ang pagpunta sa “walking street” ng Angeles City, pakikipag-usap nang personal sa mga sex worker ng Area, at pag-aaral ng sayaw para sa kanyang daring dance numbers sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad pa niya, “Ang daming beses namin nag-usap ni Direk at saka nag-meet bago kami nag-start mag-roll. Pero siguro, my favorite thing always to do before doing a film is immersing.

“Unforgettable yung night namin ni Direk sa Angeles City and we were able to visit the walking street kung saan mismo kami nag-shoot.

“Tapos, naghanap po kami ng puwedeng reference ko for Candy, na ngayon, naging kaibigan ko rin."

Pagpapatuloy ni Julia, “I thought after ASAP, tapos na akong sumayaw, pero napasabak ako sa G-Force for this.

Nag-workshop muna ako ng mga seksing sayaw bago kami mag-start mag-roll. That’s the best part, immersing to become the character.

“Marami po akong kinailangang panoorin for this but iba pa po talaga yung mag-immerse ka kung saan naka-set at naka-based yung kuwento.”

Dahil sa immersion na kanyang ginawa, lalong tumaas ang respeto ni Julia sa mga sex worker kaya puro magaganda at mga positibong salita ang binitawan ng 25-year-old actress habang nagkukuwento tungkol sa mga karanasan niya sa shooting ng Expensive Candy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, “Malaking bagay po yung pumunta kami sa walking street, napanood namin yung the beautiful women there, the hardworking beautiful women who work in that street in Angeles City.

“I admire them so much and I have so much respect for them.

“Meron po akong mga naging kaibigan at saka mga nakilala nung gabing yun. Marami po akong naitanong. But I guess, just to protect them as well, I don’t wanna divulge any information.

"But I did get a few tips and tricks and a little bit of dance moves from the women there. They’re amazing. The girls there are amazing.

“It was very challenging. This movie really challenged me in a very physical way, mentally and emotionally, just being comfortable in the outfits that I had to wear, in front of a lot of different people.

“Si Candy kasi hindi naman siya about pagpapaseksi lang. Si Candy, palaging may intention of seducing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I thing being sexy and having to seduce, after this film, I realized they’re two very different things. So, iba yung sexy ka sa nang-aakit ka.”

Ayon kay Direk Jason Paul, ang sexy dance numbers ni Julia sa Expensive Candy ang isa sa mga selling point ng kanilang pelikula.

Si Jason ang nagpaliwanag tungkol sa kuwento ng Expensive Candy at ng karakter na ginampanan ni Julia.

“It revolves around the character of Candy who is a sex worker. Na-in love ang parang isang poor teacher [Carlo Aquino] sa kanya at siya yung parang naging motivation ng teacher na yun to work hard.

"Pero laging nagle-level up si Candy as a sex worker. Pamahal nang pamahal. Nagiging expensive nang expensive.

"So, susundan natin yung journey niya kung hanggang saan niya kaya na i-afford si Candy," paglalarawan ng direktor.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto on her role as a sex worker in Expensive Candy: "It was very challenging. This movie really challenged me in a very physical way, mentally and emotionally, just being comfortable in the outfits that I had to wear, in front of a lot of different people."
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results