Watch Now

Herlene Budol, pinili ang Darna costume ni Marian Rivera bilang inspirasyon sa kanyang birthday pictorial

by Jojo Gabinete
Aug 24, 2022
herlene budol marian rivera darna
Pinili ni Herlene Budol na kopyahin ang design ng Darna costume ni Marian Rivera noong 2009 para sa kanyang birthday pictorial dahil sa simpleng dahilan—ang 38-year-old actress ang kanyang hinahangaan at iniidolong artista.
PHOTO/S: @herlene_budol on Instagram / GMA Network

Ang Darna costume na ginamit ni Marian Rivera nang gampanan nito ang karakter ni Darna sa primetime series ng GMA-7 noong 2009, hindi ang Darna costume ng bagong Darna na si Jane de Leon, ang kinopya ni Herlene Budol para sa kanyang 23rd birthday pictorial.

Kahapon, August 23, 2022, ang kaarawan ni Herlene at ang makapagsuot ng Darna costume ang isa sa kanyang mga pangarap na binigyan niya ng katuparan.

“Suot ko ang costume ni Darna hango sa idolo kong si Marian Rivera ng GMA Network na naging Darna noon,” sabi ni Herlene, na sampung taon pa lamang ang edad nang gumanap na Darna si Marian.

“Natupad na din ang pangarap kong magsuot ng Darna costume sa aking kaarawan. At sa mga pumunta kagabi, na lugod kong kinatutuwa ang mga pasabog at supresa [sic] hatid ninyo sa akin,” pasasalamat ni Herlene sa lahat ng mga nagpunta sa selebrasyon ng kanyang kaarawan sa kabila ng masungit na panahon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinili ni Herlene na kopyahin ang design ng Darna costume ni Marian noong 2009 dahil sa simpleng dahilan—ang 38-year-old actress ang kanyang hinahangaan at iniidolong artista.

Dahil nabanggit na rin ang pangalan ni Jane, palaisipan pa rin sa maraming tao ang eksena ng unang paglipad niya bilang Darna noong nakaraang Biyernes, August 19.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Netizens react to Jane de Leon's first transformation as Darna

Hindi katanggap-tanggap sa iba ang eksena na para maging si Darna ang katauhan ni Narda, basta na lamang nito isinubo at nilunok ang puting bato mula sa kalawakan na tiyak na may mga mikrobyo dahil bumagsak sa lupa pero hindi man lamang niya hinugasan.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinili ni Herlene Budol na kopyahin ang design ng Darna costume ni Marian Rivera noong 2009 para sa kanyang birthday pictorial dahil sa simpleng dahilan—ang 38-year-old actress ang kanyang hinahangaan at iniidolong artista.
PHOTO/S: @herlene_budol on Instagram / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results