Watch Now

Bakit nagdalawang-isip si Carlo Aquino bago tanggapin ang Expensive Candy?

by Jojo Gabinete
Aug 27, 2022
Julia Barretto and Carlo Aquino in promo photos of Expensive Candy
Ani Carlo Aquino, dapat daw ay maiba ang tingin niya kay Julia Barretto. Dapat ay may malisya at may desire.
PHOTO/S: PR Photos

Nakatulong kay Carlo Aquino ang pagpunta sa U.S. dahil aniya, nahanap niya ang kanyang sentro.

Si Carlo ang kapareha ni Julia Barretto sa Expensive Candy at nasa U.S. siya nang maganap ang digital media conference ng kanilang pelikula.

Kahit magkaiba ang oras sa Amerika at sa Pilipinas, sinipot ni Carlo ang press conference ng Expensive Candy at dito niya sinabi ang kapayapaan na kanyang nararamdaman habang nasa ibang bansa siya.

“Iba yung nagagawa ng peace of mind. In a way, parang nahahanap ko yung center ko.

“Alam ko kung sino yung inspirasyon ko, alam ko kung bakit ko ginagawa ito at alam ko kung sino yung mga nagmamahal sa akin.

“Tsine-cherish ko lang ang every single moment na nangyayari sa buhay ko ngayon kaya masaya lang ako,” pagtatapat ni Carlo na nagdalawang-isip na tanggapin ang Expensive Candy dahil sa karakter na gagampanan niya.

“May anak na kasi ako,” ang reaksyon ni Carlo habang ikinukuwento ng direktor na si Jason Paul Laxamana ang pag-aatubili niyang gawin ang pelikula nila ni Julia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Personal choice si Carlo dahil perfect siya sa Expensive Candy. Masyado nga lang siyang pogi para sa role ng matandang teacher na virgin.

“Si Carlo ang kinakabahan nang i-present ang story. Nag-message siya sa akin sa Facebook, iba yung pangalan.

“Unang tanong pa lang niya, na-sense ko na. Baka akala nito yung mga R-rated na movies.

“Sinabi ko sa kanya, mas malala pa yung ginawa mo sa Cinemalaya. Natawa siya. Hindi niya ine-expect na alam ko yung mga pelikula niya na ganoon.

“Bottomline, romance movie pa rin ang Expensive Candy na it just so happen na ganoon ang setting,” ang kuwento ni Laxamana sa mga nangyari bago pumayag si Carlo na tanggapin ang pelikula.

Si Laxamana rin ang siyang sumulat ng kuwento ng Expensive Candy.

Mapalad ang pakiramdam ni Carlo nang makasali siya sa cast ng Expensive Candy dahil nakatrabaho niya sina Laxamana at Julia.

Aniya, “ Sinuwerte lang din dahil may pelikulang gagawin si Jason Paul Laxamana, napasama ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“'Tapos, ang leading lady si Julia Barretto. Very fortunate na makatrabaho ko siya. Magaan po siya katrabaho, very open at mapagbigay sa mga eksena.

“Actually, nung first, akala ko hindi ko siya makaka-vibes kasi nga quiet lang si Julia, pero kalog din pala. Kalog na class. Class na dancing queen.

“Kilala ko na si Juju [Julia’s nickname], bata pa lang siya. Nakikita-kita ko na siya noon so para maiba yung tingin ko sa kanya na parang may malisya, ipinapaalaala sa akin ni JPL [Jason Paul Laxamana] na dapat iba.

“Dapat may desire at parang nagawa ko naman. Na-good take naman.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ani Carlo Aquino, dapat daw ay maiba ang tingin niya kay Julia Barretto. Dapat ay may malisya at may desire.
PHOTO/S: PR Photos
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results