Watch Now

Ai-Ai delas Alas hindi apektado sa pagkadeklara bilang persona non grata sa Quezon City

by Jojo Gabinete
Aug 28, 2022
Ai-Ai delas Alas in chef uniform.
Ayon Ai-Ai delas Alas, hindi siya puwedeng ideklarang persona non grata ng Quezon City.
PHOTO/S: APCA Philippines PR Photo

Ang pagdedeklara ng Quezon City government kay Ai-Ai Delas Alas bilang persona non grata noong June ng taong ito ang isa sa mga itinanong sa kanya noong Huwebes, August 25, 2022, sa presscon ng Academy of Pastry and Culinary Arts Philippines (APCA Philippines).

Si Ai-Ai ang ipinakilalang celebrity ambassador ng APCA Philippines.

Idineklara namang persona non grata ng Quezon City si Ai-Ai dahil sa impersonation niya kay Quezon City Mayor Joy Belmonte sa video na ginawa nila ni Direk Darryl Yap.

Dineklara ring persona non grata ng QC Council si Yap.

Nasa U.S. si Ai-Ai nang ilabas ng QC Council ang resolusyon na nagdedeklara sa kanya na persona non grata kaya noong Huwebes lamang siya nakausap nang personal ng entertainment tungkol sa isyu.

“Wala naman akong problema sa kanila. Sila naman ang may problema.

"Unang-una, hindi naman ako ang gumawa ng trianggulo [ang official triangular seal ng Quezon City] na iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Umakting lang naman ako na parang si Mayora at saka in fairness sa akin, wala akong sinabi na hindi maganda. Kahit ulit-ulitin pa nila ang panonood sa video.

"Basta ang dialogue ko lang sa video, magre-resign na ako kasi pagod na ako,” ang sagot at paliwanag ni Ai-Ai.

Binanggit din ng komedyante na ang kanyang pamilya at mga kaibigan ang labis na nag-alala at nagtanong kung saan na siya uuwi at maninirahan.

Sampung taon pa lamang kasi ang Comedy Queen ay residente na ito ng Quezon City.

Hindi nagpaapekto si Ai-Ai sa mga banta na hindi na siya makakatuntong sa Quezon City.

Dahil ayon sa mga marurunong na taong kanyang nakausap, ang mga dayuhan lamang ang maaaring ideklarang persona non grata at hindi ang katulad niyang Pilipinong-Pilipino.

Umuwi si Ai-Ai sa Pilipinas noong Lunes, August 22, para sa pictorial at contract signing niya bilang celebrity ambassador ng APCA Philippines, pero anim na araw lamang siya na namalagi sa bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bumalik agad si Ai-Ai sa U.S. dahil sa kanyang regular job bilang activity director ng isang health care facility sa California.

Ai-Ai delas Alas's certification of completion from Department of Public Health in California, USA.

Ipinakita ni Ai-Ai sa Cabinet Files ang kopya ng Certificate of Completion na patunay na ganap na ang pagiging activity director niya dahil nakapasa siya sa educational training ng Department of Public Health ng California.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon Ai-Ai delas Alas, hindi siya puwedeng ideklarang persona non grata ng Quezon City.
PHOTO/S: APCA Philippines PR Photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results