Watch Now

Herlene Budol, pambato ng Pilipinas sa Miss Planet International 2022

by Jojo Gabinete
Aug 29, 2022
herlene budol with crown
Herlene Budol on competing for Miss Planet International 2022: “Naiiyak at nae-excite ako! Parang isang panaginip nga lang dahil para sa akin, isang malaking karangalan [na] nakatungtong ako sa national pageant at ngayon naman, isasabak na ako sa international level.”
PHOTO/S: @herlene_budol on Instagram

Si Bb. Pilipinas 2022 first runner-up Herlene Nicole "Hipon" Budol ang appointed official candidate ng Pilipinas sa 2nd Miss Planet International na magaganap sa Kampala, Uganda, November 19, 2022.

Ang manager ni Herlene na si Wilbert Tolentino ang national director sa Pilipinas ng Miss Planet International at siya ang pumili kay Herlene bilang kandidata ng ating bansa.

Read: Herlene Budol set to compete in international pageants

Ang Miss Planet International, na itinatag noong 2019, ang isa lamang sa mga napakarami at hindi pa masyadong kilalang international beauty pageant na sinasalihan ng mga Pilipinang nangangarap magkaroon ng beauty title at korona.

Inaasahang mahigit sa pitumpong (70) kababaihan mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang lalahok sa Miss Planet International 2022, na may layuning isulong ang edukasyon at kapayapaan, ihinto ang mga giyera at kahirapan.

Kasama na ang pangalan ni Herlene sa opisyal na listahan ng apatnapu’t apat (44) kandidata ng second edition ng Miss Planet International.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May pahintulot ng Binibining Pilipinas Charities, Inc., ang organizer ng Binibining Pilipinas, ang partisipasyon niya sa naturang beauty contest.

Isang malaking karangalan para kay Herlene na maging kinatawan ng ating bansa sa Miss Planet International 2022 kaya halos maiyak siya nang malaman niya ang balita.

“Naiiyak at nae-excite ako! Parang isang panaginip nga lang dahil para sa akin, isang malaking karangalan [na] nakatungtong ako sa national pageant at ngayon naman, isasabak na ako sa international level,” hindi makapaniwalang social media post ni Herlene ngayong Lunes, August 29.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May tatlong buwan pa si Herlene para paghandaan ang paglaban niya sa Miss Planet International 2022 kaya nangako siyang gagawin ang lahat.

"May tatlong buwan pa rin akong preparasyon para lumaban ako sa Miss Planet International.

"Gagawin ko itong better version na makakapag-inspire sa mga kabataan because I know for myself that I am uniquely beautiful with a mission,” pahayag ni Herlene.

Ang sagot na ito ni Herlene ay nagpapaalaala sa sagot ni Pia Wurtzbach nang sumali at manalo ito na Miss Universe noong December 2015.

Trivia: Si Monique Best ng South Africa ang kauna-unahang Miss Planet International dahil siya ang nanalo sa coronation night na ginanap sa Koh Pich Theater sa Phnom Penh, Cambodia, noong March 1, 2019.

Fourth runner-up sa 1st Miss Planet International ang Philippine delegate na si Krizia Nicole Apao Vargas.

1st Miss Planet International 4th runner-up Krizia Nicole Vargas

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa naisasalin ni Best ang kanyang korona dahil nagkaroon ng coronavirus pandemic kaya dalawang taong inihinto ang Miss Planet International.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Herlene Budol on competing for Miss Planet International 2022: “Naiiyak at nae-excite ako! Parang isang panaginip nga lang dahil para sa akin, isang malaking karangalan [na] nakatungtong ako sa national pageant at ngayon naman, isasabak na ako sa international level.”
PHOTO/S: @herlene_budol on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results