Watch Now

Herlene Budol, sumakay ng helicopter ni Willie Revillame papuntang Coron, Palawan

by Jojo Gabinete
Aug 29, 2022
Willie Revillame and Herlene Budol in Coron
Pinasaya ni Willie Revillame (left and right photo) ang selebrasyon ng Kasadyaan Festival sa Coron, Palawan nang dalhin niya roon ang live show ng Wowowin. Isa sa celebrity guests si Binibining Pilipinas 2022 first runner-up Herlene Budol (wearing sunnies in left photo)

Tagumpay ang live show ng Wowowin na ginanap sa municipal hall ng Coron, Palawan, kahapon, August 28, 2022, dahil dumagsa ang mga kababayan nating sabik na makita nang personal ang host na si Willie Revillame.

Si Coron Mayor Marjo Reyes ang personal na nag-imbita kay Willie para sa Kasadyaan Festival kaya lalong naging masaya ang pagdiriwang ng kanyang mga kababayan.

Alas-singko ng hapon ang umpisa ng programa pero umaga pa lang, marami na ang naghintay sa pagdating ni Willie at ng kanyang mga co-host na sina Boobsie Wonderland, Donita Nose, Herlene Budol, at special guest performers na sina Katrina Velarde at Janine Teñoso.

Donita Nose, Katrina Velarde, Willie Revillame and Boobsie Wonderland

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tuwang-tuwa ang mga residente ng Coron dahil sulit na sulit ang kanilang paghihintay. Hindi sila binigo ni Willie na hindi kinakitaan ng pagod habang namimigay ng mga jacket at cash prizes sa napakaraming tao.

Libre ang pagtatanghal ni Willie sa Kasadyaan Festival dahil sa kagustuhan niyang mapasaya ang mga kababayan natin sa Coron.

Pahayag ni Willie, "Kaya kami nandito, para yung dalawang taon na pinagdaanan nating pandemya, ngiti at saya sa puso ninyo ang makikita.

"Nung kinausap ako ni Mayor, sabi niya, ‘Puwede bang pasayahin mo ang aking mga kababayan sa Coron?’

"Ang sabi ko sa inyong mahal na mayor, magpapasaya ako pero magreregalo tayo sa bawat taga-Coron. Magpapasaya tayo, huwag mo akong babayaran, Mayor.

"Lahat ng ibibigay mo sa akin, ireregalo natin sa mga taga-Coron!”

Kaya dumagundong ang malakas na hiyawan at palakpakan ng mga nanood ng live show ng Wowowin sa munisipyo ng Coron.

Ang sariling helicopter ang ginamit ni Willie nang magpunta ito kahapon ng umaga sa Coron, at si Herlene ang isa sa mga pasahero niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nahilo si Herlene sa unang pagsakay nito sa helicopter pero malaki ang kanyang dapat na ipagpasalamat kay Willie dahil ang TV host din ang instrumento kaya naranasan niyang sumakay sa eroplano sa kauna-unahan na pagkakataon noong July 2019.

Isinama ni Willie si Herlene, ang mga co-host at production staff ng Wowowin sa Singapore noong July 2019 nang magkaroon siya ng contract signing para sa mobile game na Wil2Play.

Tumatanaw si Herlene ng malaking utang na loob mula kay Willie dahil ito ang nagbigay sa kanya ng malaking break sa entertainment industry nang kunin siya bilang co-host ng Wowowin noong 2019.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinasaya ni Willie Revillame (left and right photo) ang selebrasyon ng Kasadyaan Festival sa Coron, Palawan nang dalhin niya roon ang live show ng Wowowin. Isa sa celebrity guests si Binibining Pilipinas 2022 first runner-up Herlene Budol (wearing sunnies in left photo)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results