Watch Now

Jillian Ward, nahirapan sa kanyang role bilang genius surgeon

by Jojo Gabinete
Aug 31, 2022
jillian ward medical uniform
Jillian Ward on her role as a genius surgeon in Abot Kamay Na Pangarap: “Sobrang dami ko na mine-memorize na medical terms na kahit po natutulog ako, pag gising ko, naaalaala ko pa rin kahit ilang days ago ko nang binasa. Napakahirap pong maging doktor. Ito po, role pa lang, pero ang hirap nang mag-memorize. What more po yung mga nasa medical field talaga?”
PHOTO/S: GMA Network / @jillian on Instagram

Ang young genius surgeon character sa Abot Kamay Na Pangarap ang pinakamahirap na ginampanan ng former child actress na si Jillian Ward.

Ito ay dahil sa kanyang mga linya at medical terms na kailangan niyang tandaan.

Ang Abot Kamay Na Pangarap ang afternoon drama medical series ng GMA-7 na mapapanood simula sa September 5, 2022.

Naging maingat ang direktor na si L.A. Madridejos sa mga eksenang kinukunan niya para hindi sila makatikim ng batikos mula sa mga manonood.

Gaya ni Direk L.A., nag-ingat din nang husto si Jillian kaya kabadong-kabado ito kapag umaarte na siya sa harap ng kamera.

“Sa totoo lang po, kinakabahan ako dahil tulad ng sabi ni Direk L.A., kapag mga medical show, laging napupuna. So, minsan po, ako na po ang nagtatanong kung tama ang mga ginagawa ko.

“May kaba po ako pero super grateful and super excited po ako,” rebelasyon ni Jillian sa digital media conference ng Abot Kamay Na Pangarap na naganap nitong Miyerkules ng gabi, August 31.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa malaking tiwalang ibinigay ng kanyang home studio, pinaghandaan at pinag-aralang mabuti ni Jillian ang kanyang role sa pamamagitan ng immersion at panonood ng TV series na may kinalaman ang kuwento tungkol sa pagpapagaling sa mga may karamdaman.

Kuwento ng Kapuso young star, “Nanood po ako ng first season ng The Good Doctor at nagkaroon din kami ng immersion. Nag-tour kami sa isang ospital at nanood din kami ng live brain surgery, kami po ni Sir Richard [Yap] at ng production staff.

“Sobrang dami ko na mine-memorize na medical terms na kahit po natutulog ako, pag gising ko, naaalaala ko pa rin kahit ilang days ago ko nang binasa.

“Napakahirap pong maging doktor. Ito po, role pa lang, pero ang hirap nang mag-memorize. What more po yung mga nasa medical field talaga?”

Hindi malimutan ni Jillian ang isang eksena niya sa Abot Kamay Na Pangarap na sumubok sa kanyang kakayahan bilang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Meron kaming eksena sa loob ng emergency room, nagbibigay po ako ng instructions sa gamot na kailangan ibigay sa pasyente.

“Sobrang bilis ko po magsalita dahil kailangan po tensiyonado at memorized na memorized po talaga ang pangalan ng mga gamot at medical terms.

“Tapos may emotions pa, may blocking pa, so ang hirap talaga dahil kailangan accurate,” ani Jillian.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jillian Ward on her role as a genius surgeon in Abot Kamay Na Pangarap: “Sobrang dami ko na mine-memorize na medical terms na kahit po natutulog ako, pag gising ko, naaalaala ko pa rin kahit ilang days ago ko nang binasa. Napakahirap pong maging doktor. Ito po, role pa lang, pero ang hirap nang mag-memorize. What more po yung mga nasa medical field talaga?”
PHOTO/S: GMA Network / @jillian on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results