Watch Now

Jose Mari Chan, sinalubong ang Ber months sa "Unang Hirit"

by Jojo Gabinete
Sep 1, 2022
jose mari chan smiling
Dahil simula na ng Ber months ngayong September 1, muling lumabas sa telebisyon ang King of Filipino Music Carols na si Jose Mari Chan upang kantahin ang kanyang well-loved Christmas songs na hudyat na rin ng mahabang selebrasyon ng Kapaskuhan sa Pilipinas.
PHOTO/S: Unang Hirit Facebook

Makalipas ang tatlong taon, muling napanood ang seasoned singer na si Jose Mari Chan sa telebisyon.

Live siyang nag-guest sa Unang Hirit, ang early morning program ng GMA-7, ngayong Huwebes ng umaga, September 1, 2022.

jose mari chan unang hirit

Ang coronavirus pandemic ang dahilan kaya matagal na hindi lumabas si Jose Mari sa telebisyon kaya nagpasalamat siya sa imbitasyon ng Unang Hirit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mga sikat na Christmas song ni Jose Mari na pinatutugtog sa radyo sa unang araw ng September ang dahilan kaya itinuturing siyang simbolo ng mahabang pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas.

Nagsisimula tuwing buwan ng Agosto ang paglabas sa mga social media platform ng iba’t ibang memes tungkol kay Jose Mari.

Hudyat ito ng nalalapit na pagpasok ng September, ang una sa apat na “Ber” months na umpisa ng masaya at matagal na selebrasyon ng Pasko sa Pilipinas.

Read: How does Jose Mari Chan feel about being trending topic during Christmas?

“It’s been three years na I haven’t sang so thank you for inviting me so this is my first time to be on television,” pasasalamat ni Jose Mari.

Napaluha naman ang veteran singer sa rehearsal ng "Christmas in Our Hearts," ang kanyang song number para sa Unang Hirit.

“Hindi alam ng lahat, kanina, habang nagre-rehearse siya, nagulat kami kasi naging emotional po si Tito Joe,” kuwento ni Unang Hirit host Arnold Clavio tungkol sa pagluha ng singer na binansagang "Mr. Christmas" at "King of Filipino Music Carols."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Talagang umiyak [siya]. Nagulat din kami kaya binago ko po yung kuwentuhan,” ani Arnold.

Binanggit din ni Arnold na 2019 nang huling sumilip si Jose Mari sa Christmas Tree ng Unang Hirit.

Nang tanungin kung bakit siya napaiyak, sagot ni Jose Mari, “When I was singing the song, parang bigla kong na-feel yung original feeling ko when I composed that song [in 1990].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And after thirty-two years, that song continues to be relevant to the young and old people alike so nakaka-touch.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil simula na ng Ber months ngayong September 1, muling lumabas sa telebisyon ang King of Filipino Music Carols na si Jose Mari Chan upang kantahin ang kanyang well-loved Christmas songs na hudyat na rin ng mahabang selebrasyon ng Kapaskuhan sa Pilipinas.
PHOTO/S: Unang Hirit Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results