Watch Now

Jaclyn Jose, binura ang "I am retiring" post; may two-year contract pa sa GMA-7

by Jojo Gabinete
Sep 1, 2022
jaclyn jose smiling
Jaclyn Jose on her "I am retiring" Instagram post: “I wanted to but I still have 2 years contract with GMA. I have to finish my contract. Akala ko, expired na [but] my RM [road manager] told me na hindi pa.”
PHOTO/S: GMA Network

Huwebes ng madaling-araw, September 1, 2022, nang ideklara ng award-winning actress na si Jaclyn Jose na magreretiro na siya sa pag-arte para ibuhos ang kanyang panahon at atensiyon sa mga anak niyang sina Andi at Gwen.

“I am retiring…marami po salamat,” ang announcement ni Jaclyn sa retirement video post nito sa Instagram na ikinabigla ng lahat ng mga nagmamahal at humahanga sa kanya.

Ilan sa mga komento ng mga nagulat na netizens: “Mami-miss ka namin," "Kailangan ka ng industriya," "Magbakasyon muna at huwag mag-retire,' "Andaming mga bano na mga beteranang aktres ang dapat mag-retire, hindi ikaw!”

jaclyn post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Cannes-winning actress Jaclyn Jose announces she's "retiring" from acting

Ngayong Huwebes ng hapon, burado na ang retirement post ni Jaclyn sa kanyang Instagram page.

Sa mensaheng ipinadala niya sa Cabinet Files, sinabi ng 2016 Cannes Film Festival best actress na gustuhin man niyang magretiro, hindi pa pala puwede dahil may kontrata pa siya sa GMA Network.

“I wanted to but I still have 2 years contract with GMA. I have to finish my contract. Akala ko, expired na [but] my RM [road manager] told me na hindi pa,” paliwanag ni Jaclyn.

Magandang balita ito para sa kanyang mga supporter at fans na hindi matanggap na tatalikuran na niya ang showbiz.

Thankfully, hindi ito matutuloy dahil may kontrata pa siya sa Kapuso Network.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jaclyn Jose on her "I am retiring" Instagram post: “I wanted to but I still have 2 years contract with GMA. I have to finish my contract. Akala ko, expired na [but] my RM [road manager] told me na hindi pa.”
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results