Watch Now

Julia Barretto, mapapanood sa GMA-7 sa unang pagkakataon dahil sa programang ito

by Jojo Gabinete
Sep 4, 2022
Julia Barretto on Expensive Candy
Dating Kapamilya star na si Julia Barretto, sasabak sa saya at kulitan bilang celebrity guest sa Bawal Judgemental ng Eat Bulaga.
PHOTO/S: Viva / Expensive Candy

Sa kauna-unahag pagkakataon, mapapanood si Julia Barretto sa isang programa ng GMA-7 dahil siya ang celebrity player sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga sa darating na Sabado, September 10, 2022.

May kinalaman ang Eat Bulaga guesting ni Julia sa Expensive Candy, ang pelikula nila ni Carlo Aquino na ipalalabas sa mga sinehan simula sa September 14.

Magkakaroon din ito ng red-carpet premiere sa Cinema 3 ng The Block ng SM North Edsa bukas, Lunes, September 5, 2022.

Ang nalalapit na guesting ni Julia sa Eat Bulaga ang nagbigay ng pag-asa sa kanyang mga tagahanga na matupad ang kanilang pangarap na mapanood na rin ang aktres sa ibang mga programa ng Kapuso Network.

Ganoon ang nangyari kina Xian Lim, Marco Gumabao, at Lyca Gairanod—na pawang former ABS-CBN stars na lumipat sa Viva Artists Agency.

EXPENSIVE CANDY RATED 13

Incidentally, R-13 ang classification na ibinigay ng MTRCB sa Expensive Candy kaya puwedeng panoorin ng mga may edad 13 pataas, pero kailangan ng patnubay ng kanilang mga magulang o ng mga nakatatanda ang pelikula na ipinagmamalaki ni Julia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kapag Rated R-13 ng MTRCB ang isang pelikula, nangangahulugan na naglalaman ng mature theme ang Expensive Candy.

Maaari itong panoorin ng mga teenager pero hindi dapat kunsintihin ang mga eksena na mapanganib, marahas, may diskriminasyon, at nakasasakit ng pag-uugali kaya importante ang paggabay ng mga nakatatanda.

JULIA ON DARING ROLES

Nang tanungin kung ang Expensive Candy ang hudyat ng pagganap niya ng daring roles, sagot ni Julia, "The bigger picture when we think daring roles, we always think what you’re gonna do with your body, what are you gonna wear, but it always boils down to what kind of story are you telling.

"You can be daring but make sure na yung story na ikinukuwento mo, may laman talaga, may intention, may objective talaga. So it’s not always about the daring things that we’re asked to do in a film.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Definitely, hindi na po ako bata. Patanda na po tayo nang patanda, so there’s no excuse for me anymore for me to continuously get out of my comfort zone."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dating Kapamilya star na si Julia Barretto, sasabak sa saya at kulitan bilang celebrity guest sa Bawal Judgemental ng Eat Bulaga.
PHOTO/S: Viva / Expensive Candy
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results