Mapagtanim na aktres, may paninira sa nakaalitang influential showbiz personality

by Jojo Gabinete
Sep 4, 2022
blind item, dalawang aktres, female actresses
Pati nananahimik na aktres damay sa pagnega ni mapanirang aktres!
ILLUSTRATION: Ryan Pancha

Nabahala ang aktres nang lapitan at kausapin siya ng kapwa aktres nang magkita sila sa isang party.

Magkakilala pero hindi magkaibigan ang dalawa kaya nagmarka sa isip ng aktres ang sinabi sa kanya ng kapwa aktres na mag-ingat siya sa isang influential showbiz personality dahil "power tripper" ito.

Nag-alala ang aktres sa payo ng kapwa aktres dahil base sa mga nakaraang karanasan nito, tila nararamdaman na niya ang pagiging power-tripper ng influential showbiz personality.

Pero bago magmalisya nang husto ang aktres, dapat niyang isipin na matagal nang malalim ang hidwaan ng kapwa aktres at ng influential showbiz personality kaya personal na ang galit ng una sa huli.

Walang dahilan para seryosohin niya ang unsolicited advice ng kapwa aktres na hindi na nakalimutan ang kontrobersiyang kinasangkutan nila ng influential showbiz personality.

Apparently, kahit ang panahon, hindi kayang pagalingin ang marka ng sugat na nilikha ng alitan ng aktres at ng hindi nito mapatawad na influential showbiz personality kaya binalaan o pinag-iingat niya ang nananahimik na kasamahan sa industriya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pati nananahimik na aktres damay sa pagnega ni mapanirang aktres!
ILLUSTRATION: Ryan Pancha
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results