Watch Now

Sinu-sino ang mga dating Kapamilya at Kapuso stars and news personalities na lilipat sa ALLTV (AMBS 2)?

by Jojo Gabinete
Sep 5, 2022
alltv logo
ALLTV na ang magiging official name ng AMBS 2, ang TV station na pag-aari ng pamilya ni former Senate President Manny Villar.

Ipagdiriwang ni former Senate President Manny Villar at ni Senator Cynthia Villar ang kanilang 47th wedding anniversary sa September 13, 2022.

Kasabay nito ang soft launch ng ALLTV, ang television station ng family-owned All Media Broadcasting System (AMBS).

ALLTV na ang bagong pangalan ng AMBS 2.

Read: Richest Pinoy Manny Villar takes over ABS-CBN channels: A Timeline

May bago na rin itong logo na kulay berde at orange, na mga paboritong kulay ng former Senate president.

May slogan itong “Sana All, Saya All” dahil good vibes, katatawanan, at kasiyahan ang ihahatid nila sa televiewers.

Mapapanood simula sa Martes, September 13, sa ganap na alas-dose ng tanghali, ang lahat ng mga bagong programa ng ALLTV.

Pangungunahan ito ng Wowowin: Tutok To Win, ang game show at public service show ni Willie Revillame.

Read: Willie Revillame: "AMBS will be on air by September."

Si Willie ang mag-aanunsiyo ng listahan ng mga programa ng ALLTV at gagawin niya ito sa live broadcast sa official Facebook page at YouTube channel ng Wowowin ngayong Lunes ng gabi, September 5, 7 p.m.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sasabihin na rin ni Willie ang pangalan ng news personalities at mga artistang dating Kapamilya at Kapuso na magiging bahagi ng mga programa ng ALLTV. Kagulat-gulat ito dahil hindi inaasahang lilipat sila sa magbubukas na broadcast network ng mga Villar.

Sina Willie at Toni Gonzaga ang dalawa sa mga kumpirmado na contract stars ng ALLTV pero may mga makakasama silang mga personalidad na beterano at iginagalang sa entertainment industry na regular na mapapanood sa television network ng AMBS.

Read: Toni Gonzaga and husband Paul Soriano sign up with AMBS 2

Bukod sa kaabang-abang at interesting announcement na gagawin ni Willie, mamimigay pa rin siya ng cash prizes sa lahat ng mga tututok ngayong gabi sa live streaming ng Wowowin.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ALLTV na ang magiging official name ng AMBS 2, ang TV station na pag-aari ng pamilya ni former Senate President Manny Villar.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results