Watch Now

Jerald Napoles, kumasa sa hamon ni Nikko Natividad tungkol sa pagiging "dakila"

by Jojo Gabinete
Sep 8, 2022
jerald napoles nikko natividad topless
Jerald Napoles (left) on Nikko Natividad (right): “Tinatanggap ko ang hamon niya para magkaalaman kung sino sa amin ang tunay na dakila! Makikita niya ang bangis ng dakilang kamagong de leche ni Jerald Napoles!"
PHOTO/S: @iamjnapoles / @hashtag_nikko on Instagram

Kumasa si Jerald Napoles sa hamon ni Nikko Natividad na dapat na magsama sila sa isang proyekto para magkaalaman na kung sino sa kanila ang tunay na “dakila.”

Ngayong Huwebes, September 8, 2022, ipinakilala si Nikko bilang pinakabagong contract star ng Viva Artists Agency, ang talent management agency na namamahala rin sa showbiz career ni Jerald.

Nang tanungin kung sino sa mga artista ng Viva ang gusto niyang makatrabaho, ang pangalan ni Jerald ang binanggit ni Nikko.

Sabi ng Hashtags member, “Feeling ko, siya yung daks, si Jerald. Kaya sabi ko, 'Kailangan magkatrabaho tayo para matunayan ko na mas lamang ako sa 'yo.'"

Read: Nikko Natividad, aagawan ng trono si Wilbert Ross sa Viva?

Hindi pinalampas ni Jerald ang mga sinabi ni Nikko dahil mabilis ang buwelta niya sa kapwa aktor nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong gabi.

“Gago talaga ‘yan, hahaha!" bulalas niya.

"Unang-una sa lahat, excited ako kay Nikko sa pagpirma niya sa Viva dahil deserve naman talaga niyang magkaroon ng mga project bilang isang daks!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lagi kaming nagme-message talaga sa isa’t isa lalo na kapag may napanood siya na movie ko o movie namin ni Kim [Molina].

“Sweet si Nikko. Gustung-gusto talaga niyang magtagpo ang landas namin sa project kaya sana matupad ni Boss Vic del Rosario.”

May importante ring mensahe si Jerald para kay Nikko.

Aniya, “Nakaka-flatter na ina-acknowledge niya na 'Dakota' ako!

“Tinatanggap ko ang hamon niya para magkaalaman kung sino sa amin ang tunay na dakila!

"Makikita niya ang bangis ng dakilang kamagong de leche ni Jerald Napoles!"

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jerald Napoles (left) on Nikko Natividad (right): “Tinatanggap ko ang hamon niya para magkaalaman kung sino sa amin ang tunay na dakila! Makikita niya ang bangis ng dakilang kamagong de leche ni Jerald Napoles!"
PHOTO/S: @iamjnapoles / @hashtag_nikko on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results