Watch Now

Kim Chiu, bumilib sa intense acting ni Xian Lim sa "Always"

by Jojo Gabinete
Sep 12, 2022
xian kim presscon
Kim Chiu on co-starring with boyfriend Xian Lim in the Filipino adaptation of the Korean film Always: “Ang daming mga bagay na makakapag-yes sa akin dahil sa movie na 'to. Of course, nandoon si Xian na kasama ko, the Korean movie, and me going back to acting. So, I’m very thankful sa Viva for choosing me to do this and for the opportunity they gave me."
PHOTO/S: @viva_films on Instagram

“Nakaka-in love lalo,” pahayag ni Kim Chiu tungkol sa acting ability na ipinamalas ng kanyang boyfriend na si Xian Lim sa Always, ang reunion movie nila na ipalalabas sa mga sinehan sa September 28, 2022.

Read: Real-life couple Kim Chiu at Xian Lim, balik-tambalan sa Always

Ang 2015 Metro Manila Film Festival movie na All You Need is Pag-Ibig ang huling pelikulang magkasama na ginawa ng dalawa. Makalipas ang pitong taon, ngayon lamang uli sila mapapanood sa big screen.

Sa face-to-face presscon ng Always na naganap ngayong Lunes ng hapon, September 12, ikinuwento ni Kim ang malaking pagbabago sa pag-arte ng kanyang karelasyon.

“Mas malalim na si Xian. Grabe, very intense. Mega diet talaga siya. Super diet talaga siya. Bonggang-bongga pa sa mga topless scene niya.

“Iba na talaga si Xi. Parang ang tagal na kasi na hindi namin na nagka-work together and may mga eksena siya na nanonood lang ako sa booth ni Direk and then, hangang-hanga kami sa kanya dahil very intense na talaga yung acting niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hala, ang galing ni Xian! Nakaka-in love lalo,” kinikilig na sabi ni Kim.

Ang Always ang Philippine adaptation ng 2011 Korean film na Always na pinagbidahan ng Korean stars na sina So Ji-sub at Han Hyo-joo.

Nagkaroon din ng Hindi, Japanese, Kannada, at Turkish remake ang pelikulang gustung-gusto ni Kim dahil naranasan niyang magkaroon ng proyekto na ibang-iba sa mga romantic comedy movie na ginawa nila noon ni Xian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ng Kapamilya actress, “First movie ko ito under Viva Films and I’m very happy of course dahil, una, gusto ko talaga ang mga Korean movie.

“I am very happy na in-offer nga nila ito and then, they want us to make an adaptation of a Korean movie.

“Sobrang na-excite ako. Yung thought pa lang na yun, parang na-happy ako and the thought also na me, missing the acting world.

"Kasi lately, mostly, hosting, guesting, sayaw, pero na-miss ko talaga ang fisrt love ko which is acting.

“Ang daming mga bagay na makakapag-yes sa akin dahil sa movie na 'to. Of course, nandoon si Xian na kasama ko, the Korean movie, and me going back to acting.

"So, I’m very thankful sa Viva for choosing me to do this and for the opportunity they gave me."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu on co-starring with boyfriend Xian Lim in the Filipino adaptation of the Korean film Always: “Ang daming mga bagay na makakapag-yes sa akin dahil sa movie na 'to. Of course, nandoon si Xian na kasama ko, the Korean movie, and me going back to acting. So, I’m very thankful sa Viva for choosing me to do this and for the opportunity they gave me."
PHOTO/S: @viva_films on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results