Watch Now

Vhong Navarro "ang bigat ng loob" matapos magpiyansa

by Jojo Gabinete
Sep 19, 2022
vhong navarro warrant of arrest
Vhong Navarro: “Kaya nagulat kami, parang after ilang years, eto uli nabuhay." Vhong posts bail this Monday, September 19, 2022, after an arrest warrant was issued by Branch 116 ng Taguig Metropolitan Trial Court.

Wala si Vhong Navarro sa live broadcast ng It’s Showtime! ngayong Lunes, September 19, 2022.

Nagpunta kasi ang actor-host sa National Bureau of Investigation (NBI) at nagbayad ng piyansa para sa kasong acts of lasciviousness na isinampa laban sa kanya ng modelong si Deniece Cornejo noong January 2014.

Si Judge Angela Francesca Din ng Branch 116 ng Taguig Metropolitan Trial Court ang naglabas ng warrant of arrest laban kay Vhong.

Nagpiyansa si Vhong ng PHP36,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Read: Vhong Navarro voluntarily surrenders, posts bail for acts of lasciviousness case

Hindi itinanggi ni Vhong ang nararamdamang pagkadismaya kaugnay ng kaso na kanyang kinasasangkutan.

Nakausap si Vhong ng ilang miyembro ng media ngayong Lunes ng umaga.

“‘Yun nga lang ang nakakalungkot kasi for how many years, akala namin nila Atty. [Alma Mallonga], ng aming legal team, tapos na, patapos na.

“Kaya nagulat kami, parang after ilang years, eto uli nabuhay,” pahayag ni Vhong na bakas sa mukha at boses ang lungkot dahil sa “twist” sa kontrobersiyal na kasong pinagpistahan noong 2014.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matatandaang noong July 2018, hinatulan ng "guilty beyond reasonable doubt" sa kasong grave coercion si Deniece at iba pang taong sangkot sa kaso na sina Cedric Lee at Jed Fernandez. Ang desisyon ay ipinataw sa Taguig City Metropolitan Trial Court.

Noong April 2018 naman, ibinasura ng Department of Justice ang third rape complaint ni Deniece.

READ A timeline: Vhong Navarro vs Cedric Lee, Deniece Cornejo legal battle

Fast forward to September 2022, hindi pa rin ito natutuldukan.

Giit ni Vhong sa recent interview noya, “At parang ako pa yung nababaligtad. Na ako yung biktima, so parang ang hirap paniwalaan.

“So ako, mula noong 2014, inilahad ko lahat ng nangyari. Wala akong itinago, sinabi ko lahat.

“Alam ng Panginoon iyon. Nagsasabi ako ng totoo, kaya ngayon ang bigat ng loob ko.

“Ba’t parang ganito? Para mabuhay, at the same time, ngayon binabaligtad kami,” dagdag na pahayag ni Vhong.

Nakaranas siya noon ng hirap na pisikal, emosyunal, and mental, mula sa grupo ni Cedric.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bugbog-sarado si Vhong nang bisitahin siya ng writer na ito noon sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City.

Magang-maga ang mukha at halos hindi na maimulat ni Vhong ang mga mata nito, kaya nakapangingilabot ang pananakit na ginawa sa kanya ng mga suspect.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vhong Navarro: “Kaya nagulat kami, parang after ilang years, eto uli nabuhay." Vhong posts bail this Monday, September 19, 2022, after an arrest warrant was issued by Branch 116 ng Taguig Metropolitan Trial Court.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results