Angeli Khang at Jela Cuenca, mas kumportable sa girl-to-girl love scenes

by Jojo Gabinete
Sep 19, 2022
angeli khang jela cuenca black lingerie
Angeli Khang (left) on doing love scenes with Jela Cuenca (right): "Actually, it’s much easier with girl-to-girl kasi kabisado mo na lahat. Kung anong meron siya, meron ka rin. Walang kapaan at kung ano ang puwedeng gawin.”
PHOTO/S: Vivamax

Bida na ang sexy star na si Jela Cuenca sa pelikulang Girl Friday.

Ang karakter niya ang gumaganap na girl Friday o assistant ni Angeli Khang sa upcoming Vivamax project ng direktor na si Joel Lamangan.

Forte ni Lamangan ang mga pelikulang may kinalaman sa pulitika ang kuwento, at ganito ang tema ng Girl Friday na magpapaalala sa old films ng pumanaw na direktor na si Lino Brocka.

May intimate scenes sina Angeli at Jela sa Girl Friday. Para sa kanila, mas madaling gumawa ng love scenes na kapwa babae ang mga kapareha nila.

Sabi ni Angeli, “Actually, it’s much easier with girl-to-girl kasi kabisado mo na lahat. Kung anong meron siya, meron ka rin. Walang kapaan at kung ano ang puwedeng gawin.”

Nakiayon naman si Jela sa paliwanag ni Angeli dahil hindi rin siya nahirapan sa eksenang ipinagawa sa kanila ni Direk Joel.

“Mas madaling gawin kasi mas kabisado, especially kakilala ko si Angeli or babae to babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"For me, very comfortable to work with a girl than a boy. Kapag lalake kasi, parang masyadong marami ang boundaries,” sabi ni Jela.

Si Jay Manalo ang lead actor sa Girl Friday, na isa sa pinakamapangahas na pelikula ng aktor dahil napapayag siya ni Direk Joel na gawin ang mga maseselang eksena.

Ang Girl Friday ang pangalawang proyekto na pinagsamahan nina Jay at Angeli, na natutuwa dahil nakilala niya nang husto ang ugali ng veteran actor.

Ayon kay Angeli, “It’s been nice working with Kuya Jay. He’s really different from on-camera and off-cam.

“Every day, may pagkain na handa. Lagi siyang nagpapaluto ng tuyo o kaya mga home-cooked food sa set.

“Palaging masaya kapag nasa set si Kuya Jay.

"Mas naging close kami sa movie na 'to dahil sa last movie namin, Mahjong Nights, hindi kami masyadong nag-uusap dahil super mahiyain ako. Hindi talaga ako masyadong nagsasalita.

"Sabi ko nga kay Kuya Jay, baka kami na ang magka-tandem dahil palaging kami ang magka-partner sa movie.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binago ni Angeli ang physical appearance niya para sa kanyang politician’s wife role sa Girl Friday.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angeli Khang (left) on doing love scenes with Jela Cuenca (right): "Actually, it’s much easier with girl-to-girl kasi kabisado mo na lahat. Kung anong meron siya, meron ka rin. Walang kapaan at kung ano ang puwedeng gawin.”
PHOTO/S: Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results