Watch Now

"We Stand With Vhong Navarro" movement, pinasimulan ng Streetboys bilang suporta kay Vhong

by Jojo Gabinete
Sep 20, 2022
vhong navarro we stand with vhong
Streetboys: "We need your help na mabigyan sya ng hustisya. Matagal namin kakilala si Vhong at naniniwala kaming buong grupo na s’ya ay inosente."
PHOTO/S: @vhongx44 on Instagram / Chito Rono

Nagsimula nang gumulong ang "We Stand With Vhong Navarro" movement na inumpisahan ng mga miyembro ng Streetboys, ang dance group na kinabibilangan ng Kapamilya comedian-TV host na si Vhong Navarro.

Kasalukuyang naka-detain si Vhong sa National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa bisa ng arrest warrant na inilabas ni Presiding Judge Loralie Cruz Datahan ng Branch 69 ng Taguig Regional Trial Court kahapon, September 19, 2022.

May kinalaman ito sa non-bailable rape complaint na isinampa ni Deniece Cornejo noong January 2014 laban sa host ng It’s Showtime.

Read: Vhong Navarro detained at NBI after voluntary surrendering in rape case

May hashtags na #WeBelieveVhong at #JusticeForVhong ang "We Stand With Vhong" movement.

Pagpapakita ito ng suporta kay Vhong ng mga taong nagmamalasakit sa kanya at naniniwala na siya ang nagsasabi ng katotohanan tungkol sa mga mabibigat na paratang ni Cornejo laban sa kanya.

Paliwanag ng Streetboys Family tungkol sa kanilang isinusulong na kilusan para mabigyan si Vhong ng hustisya: “Let’s all unite & share this thread to show our support to brother Vhong Navarro. We need your help na mabigyan sya ng hustisya. Matagal namin kakilala si Vhong at naniniwala kaming buong grupo na s’ya ay inosente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Please use this photo to show our support. Paki-repost sa wall or gawin n’yong profile picture kayo na po ang bahala. Kailangan niya ang ating mga dasal at suporta. Magsama-sama tayong magdasal na mabigyan ng hustisya ang nangyari sa ating pinakakamamahal na kaibigan.

“Taos-puso kami nagpapasalamat in advance sa inyong mga walang sawang pagmamahal. Mabuhay kayong lahat. And God be with you and your family.”

Kabilang ang multi-awarded director na si Chito Roño sa mga nakiisa sa panawagan ng mga miyembro ng Streetboys dahil siya ang manager ng dance group at ni Vhong.

chito rono post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinagulat ng lahat ng mga sumusubaybay sa kaso ang nangyari kay Vhong na personal na nagsadya sa tanggapan ng NBI para sumuko kahapon.

Read: Vhong Navarro voluntarily surrenders, posts bail for acts of lasciviousness case

Naglagak si Vhong ng piyansang P36,000 noong Lunes, September 19, para sa pansamantalag kalayaan niya dahil sa arrest warrant na inilabas ni Judge Angela Francesca Din ng Branch 116 ng Taguig Regional Trial Court para sa acts of lasciviousness na isinampa ni Cornejo.

Pero hindi na siya nakauwi sa kanyang tahanan nang maglabas ng panibagong arrest warrant noong hapon si Presiding Judge Loralie Cruz Datahan ng Branch 69 para sa non-bailable rape complaint na reklamo rin ni Cornejo laban sa aktor.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Streetboys: "We need your help na mabigyan sya ng hustisya. Matagal namin kakilala si Vhong at naniniwala kaming buong grupo na s’ya ay inosente."
PHOTO/S: @vhongx44 on Instagram / Chito Rono
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results