Watch Now

It's Showtime hosts, nagpakita ng suporta kay Vhong Navarro

by Jojo Gabinete
Sep 20, 2022
it's showime hosts group hug
It's Showtime hosts: “Kuys Vhong, nandito lang kami, kapit lang. We love you, Kuys Vhong.”
PHOTO/S: Kapamilya Channel

Isang group hug ang inalay ng mga host ng It’s Showtime para kay Vhong Navarro bilang pagpapakita nila ng suporta sa TV host-comedian.

Kasalukuyang nakapiit si Vhong sa detention facility ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil non-bailable o walang piyansa ang rape complaint na isinampa laban sa kanya ng model na si Deniece Cornejo.

Read: Vhong Navarro detained at NBI after voluntary surrendering in rape case

Sa live telecast ng It’s Showtime ngayong Martes ng hapon, September 20, 2022, ang kaibigan, co-host, at kapwa Streetboys member na si Jhong Hilario ang unang nagsalita tungkol sa kanyang moral support para kay Vhong.

“Kuys Vhong, nandito lang kami, kapit lang. We love you, Kuys Vhong,” mensahe ni Jhong para sa embattled actor.

Reaksiyon naman ni Vice Ganda, "Yes, Kuys Vhong, mag-group hug tayo para kay Vhong.”

Pinangunahan ni Vice ang group hug, kasunod ang pahayag na “I love you, Vhong. We will all be praying for you Vhong!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayon ang pangalawang araw na wala si Vhong sa noontime program ng Kapamilya Channel dahil sa kasong kinasasangkutan niya, at nagsimula noong January 2014 at nananatiling isang masamang panaginip para sa kanya.

Hindi na nakaalis si Vhong sa NBI na pinuntahan niya kahapon, September 19, dahil sumuko siya at naglagak ng piyansa na P36,000 para sa kaso ng acts of lasciviousness na isinampa ni Deniece, walong taon na ang nakalilipas.

Kahit nagbayad ng piyansa, hindi nakamit ni Vhong ang pansamantalang kalayaan dahil sa hindi inaasahang paglabas kahapon ng arrest warrant para naman sa kaso ng rape na non-bailable na isinampa rin noon ni Cornejo.

Ang nangyari kay Vhong ang nag-udyok sa mga kasamahan niya sa Streetboys na ilunsad ang "We Stand With Vhong Navarro" movement bilang suporta sa aktor na pinaniniwalaan nilang biktima ng hustisya.

Read: "We Stand With Vhong Navarro" movement, pinasimulan ng Streetboys bilang suporta kay Vhong

Sinuportahan ng maraming netizens ang "We Stand With Vhong Navarro" movement dahil dumarami na ang bilang ng mga nakikisimpatiya sa kanya at naniniwalang inosente siya sa mga paratang ni Cornejo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It's Showtime hosts: “Kuys Vhong, nandito lang kami, kapit lang. We love you, Kuys Vhong.”
PHOTO/S: Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results