Ang popular English singer na si Eric Clapton ang" common denominator" nina Senator Robinhood Padilla at President Ferdinand Marcos Jr.
Si Clapton ang umawit ng "Wonderful Tonight" na signature song ni Robin dahil ang 1977 composition ang kinanta nito sa lahat ng kanyang mga kampanya para sa eleksyon noong May 2022, at sinasabing isa sa mga dahilan kaya nahalal siyang number one senator.
Read: Robin Padilla, bakit trending pa rin at dawit ang "Wonderful Tonight"?
Hindi nag-iisa si Robin dahil tagahanga rin ni Clapton si Marcos Jr.
Pinanood ng Pangulo ang huling tatlumpung minuto ng concert ni Clapton sa Madison Square Garden sa New York City noong September 19, 2022.
Nalaman ng mga Pilipino ang pagdalo ni President Marcos Jr. sa concert ni Clapton dahil isa sa kanyang mga kasama ang nag-post sa social media ng detalye—ang blogger na si RJ Nieto o kilala rin bilang Thinking Pinoy
“A very hectic day for the president,” sabi ni Nieto tungkol sa Clapton concert na kalahating oras lamang na napanood ng Pangulo.
“He arrived at noon, checked in sa kanyang hotel, went straight to the Filipino Community meeting in Jersey, had a couple of meetings afterwards, then headed here to catch the last thirty minutes of the Eric Clapton concert, then went straight back to hotel.
“Let him have a bit of a break tonight because he'll barely get any sleep tomorrow until he goes back to the Philippines,” social media post ni Nieto tungkol sa hectic schedule ni Marcos Jr. noong September 19, 2022.
US$6,949.89 ang presyo ng front row tickets at US$200 para sa “nosebleed” seats ng dalawang gabi (September 18 at September 19) na concert ni Clapton sa Madison Square Garden.
Labing-anim na kanta ang kanyang inawit kabilang ang hit song na "Tears in Heaven" at siyempre, ang "Wonderful Tonight."
Isang linggong mananatili sa Amerika si Marcos Jr. Kabilang sa pakay niya roon ay ang pag-attend sa 77th Session ng United Nations General Assembly sa New York, bilateral meetings, business engagements, at pakikipagtrapo sa mga Filipino community roon.