Watch Now

Bea Alonzo at Ai-Ai delas Alas, nag-reunion sa Amerika

by Jojo Gabinete
Sep 26, 2022
kapuso stars in u.s.
Kapuso stars Ai-Ai delas Alas, Dingdong Dantes, Lani Misalucha, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, and Bea Alonzo staged a successful two-night show at Pechanga Resort Casino sa Temecula, California.
PHOTO/S: @beaalonzo / @msaiaidelasalas oon Instagram

Mainit ang pagtanggap kay Bea Alonzo ng mga kababayan natin sa Amerika na nanood ng Together Again, ang two-night show (September 24 at September 25) ng GMA Pinoy TV na ginanap sa Pechanga Resort Casino sa Temecula, California.

Ang Together Again ang unang live show ni Bea sa Amerika bilang Kapuso.

Ang mainit na pagsalubong sa kanya ng Filipino community ang kumpirmasyong tanggap na tanggap nila ang paglipat ng dating ABS-CBN prized star sa GMA-7.

Kasama ni Bea sa Together Again sina Dingdong Dantes, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, at ang U.S.-based stars na sina Lani Misalucha at Ai-Ai delas Alas.

Hindi nakaligtaan ni Bea na ipaalaala sa Pechanga Resort Casino audience na ngayong Lunes ng gabi, September 26, ang pilot telecast ng kanyang first-ever primetime series sa GMA 7, ang Philippine adaptation ng Start-Up na pinangungunahan nila ni Alden Richards at tinatampukan din nina Jeric Gonzales at Yasmien Kurdi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinatunayan ni Ai-Ai delas Alas sa Together Again na siya pa rin ang Comedy Queen ng Pilipinas dahil napasaya niya nang todo ang manonood sa kanyang mga production number at funny spiels.

Ang Together Again ang nagsilbing reunion nina Ai-Ai at Bea na nagkasama noong 2008 sa I Love Betty La Fea, ang Tagalog adaptation ng sikat na Colombian telenovela.

Naniniwala naman ang mga nakakita kina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose na may katotohanan ang balitang opisyal na nag-umpisa ang kanilang relasyon noong May 2022 dahil malambing ang dalawa sa isa’t isa, lalo na sa kanilang unguarded moments.

Masigabo rin ang mga palakpak na natanggap nina Dingdong at Lani sa kanilang magkasunod na gabing pagtatanghal sa Pechanga Resort Casino na pagdiriwang din ng ika-labimpitong anibersaryo ng GMA Pinoy TV.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso stars Ai-Ai delas Alas, Dingdong Dantes, Lani Misalucha, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, and Bea Alonzo staged a successful two-night show at Pechanga Resort Casino sa Temecula, California.
PHOTO/S: @beaalonzo / @msaiaidelasalas oon Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results