Watch Now

Alma Moreno at Dina Bonnevie, "magbabardagulan" sa TV5 sitcom na Kalye Kweens

by Jojo Gabinete
Sep 27, 2022
dina bonnevie alma moreno sitcom
Sa unang pagkakataon ay magsasama sina Dina Bonnevie (kaliwa) at Alma Moreno sa isang sitcom, ang "Kalye Kweens", na mapapanood sa TV5 simula October 1.
PHOTO/S: TV5

Kalye Kweens ang pamagat ng "bardagulan" sitcom ng original Mrs. Eva Fonda, 16 actress na si Alma Moreno at ng Katorse star na si Dina Bonnevie.

Magsisimula sa darating na Sabado, October 1, ang airing sa TV5 ng Kalye Kweens .

Ito ang unang pagsasama nina Alma at Dina sa isang sitcom, pero nagbida na sila sa mga pelikula ng Regal Films noong dekada ’80.

Ang pagkakaalam ng karamihan, si Dina Bonnevie at kanyang kapwa Underage girls na sina Maricel Soriano at Snooky Serna ang mga orihinal na Regal Babies.

Pero sa kanyang Eat Bulaga! guesting noong nakaraang buwan, sinabi ni Alma na siya ang kauna-unahang Regal baby at siya ang unang contract star ng film company ni Mother Lily Monteverde.

“Ako yung unang-unang Regal baby. Ako yung unang-unang nagsuot ng magic kamison,” sabi ni Alma, na lead actress ng Walang Karanasan, ang launching movie niya sa Regal Films noong 1976.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang rebelasyon ni Alma ang patunay na siya ang kauna-unahang pinagsuot ni Mother Lily ng magic kamison, na ipinasuot din nito kay Dina nang ilunsad ito sa Katorse noong 1980.

Ang magic kamison ang itinuturing ni Mother Lily na lucky charm niya kaya blockbuster ang mga pelikulang kanyang ginawa noon.

Ang former That’s Entertainment member na si Jojo Abellana ang gumaganap na abogado at mapagmahal na asawa ni Alma sa Kalye Kweens.

Ayon pa sa aktor, napakabait na katrabaho nina Alma at Dina.

“Comedy ang Kalye Kweens na labanan ng mahirap at mayaman.

“Super relax at napakababait na kaeksena nina Alma at Dina. Bitin nga kami lahat dahil mabilis lang na gawin ang Season 1 ng show namin.

"Hopefully, magkaroon ng Season 2 at Season 3,” sabi ni Jojo.

May special participation din si Jojo sa Philippine adaptation ng Always, ang reunion movie nina Xian Lim at Kim Chiu. Si Jojo ang gumanap na ama ni Kim sa Always.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa unang pagkakataon ay magsasama sina Dina Bonnevie (kaliwa) at Alma Moreno sa isang sitcom, ang "Kalye Kweens", na mapapanood sa TV5 simula October 1.
PHOTO/S: TV5
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results