Watch Now

Ashley Diaz, ilulunsad na sa pagsasapelikula ng Mary Cherry Chua urban legend

by Jojo Gabinete
Sep 30, 2022
ashley diaz dad joko
Ashley Diaz: “I’m very grateful na nabigyan po ako ng ganitong opportunity. First of all, kasama ko sa movie ang dad ko [Joko Diaz]. First lead role ko po ito so it really means a lot to me. I am looking forward sa experience of portraying the lead character. Na makita ng mga tao ang hard work naming lahat."
PHOTO/S: @_ashleydiaz on Instagram

Isasalin na rin sa pelikula ang Mary Cherry Chua, ang popular urban legend tungkol sa high school student na Mary Cherry Chua ang pangalan.

Natagpuan siyang walang buhay sa all-girls school sa Quezon City na pinapasukan niya dahil pinaslang at inabuso siya ng janitor na naghiganti dahil natanggal sa trabaho.

Sa urban legend, hindi nagkaroon ng katahimikan ang kaluluwa ni Mary Cherry Chua kaya nagpapakita ito sa mga estudyante ng eskuwelahan.

Ang teenage daughter ni Joko Diaz na si Ashley Diaz ang napili bilang bida ng pelikula, pero ang former child actress na si Abby Bautista ang gaganap na Mary Cherry Chua.

Si Roni Benaid ang direktor ng launching movie ni Ashley at siya ang nagbigay ng ibang impormasyon tungkol sa proyektong tatampukan din nina Joko, Alma Moreno, Lyca Gairanod, at Kokoy de Santos.

Ayon kay Roni, “Lalong naging popular ang kuwento ni Mary Cherry Chua noong 2003 nang ma-publish ito sa Book 2 ng True Philippine Ghost Stories.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang kuwento po natin, tungkol kay Karen [Ashley], isang high school student na mahilig magbasa ng horror stories at urban legends.

“Sobrang intrigued siya sa nangyari kay Mary Cherry Chua kaya nang gumawa siya ng term paper, ang kuwento tungkol kay Mary Cherry Chua na nangyari mismo sa school na pinapasukan niya ang kanyang inimbestigahan.

“Nakahanap siya ng mga bagong impormasyon tungkol sa pagpaslang kay Mary Cherry Chua kaya nalagay rin sa panganib ang kanyang buhay.”

Nilinaw ni Roni na walang rights o karapatan na babayaran ang Viva Films.

“Walang babayaran na rights dahil urban legend ang pangalan na Mary Cherry Chua. Walang nagmamay-ari sa kuwento niya dahil may iba’t ibang bersiyon ng kuwento,” paliwanag ng direktor.

Ang Mary Cherry Chua ang unang pelikula ni Ashley kaya tumatanaw ito ng utang na loob mula sa Viva Films dahil ipinagkatiwala sa kanya ang proyekto.

“I’m very grateful na nabigyan po ako ng ganitong opportunity. First of all, kasama ko sa movie ang dad ko. First lead role ko po ito so it really means a lot to me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I am looking forward sa experience of portraying the lead character. Na makita ng mga tao ang hard work naming lahat."

Dahil katatakutan ang pelikulang pagbibidahan niya, tinanong si Ashley kung sino sa mga taong namayapa na ang kanyang nais na makausap.

Hindi nag-isip nang matagal ang anak ni Joko dahil mabilis ang pagbanggit niya sa pangalan ng kanyang lolo Paquito Diaz, ang popular character actor na namayapa noong March 3, 2011.

“Gusto kong makausap yung lolo ko, si Paquito Diaz, kasi I wanna ask him kung okay ba yung mga ginagawa ko or proud ba siya sa akin?” sagot ni Ashley.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ashley Diaz: “I’m very grateful na nabigyan po ako ng ganitong opportunity. First of all, kasama ko sa movie ang dad ko [Joko Diaz]. First lead role ko po ito so it really means a lot to me. I am looking forward sa experience of portraying the lead character. Na makita ng mga tao ang hard work naming lahat."
PHOTO/S: @_ashleydiaz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results