Watch Now

Dominic Roco kasama sa limang arestado sa drug buy-bust operation sa Quezon City

by Jojo Gabinete
Oct 1, 2022
Dominic Roco
Kasama ang aktor na si Dominic Roco sa limang arestado sa isinagawang drug buy-bust operation ng Quezon City Police District.
PHOTO/S: File; DZBB Super Radyo on Twitter

Ang pag-aresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District kay Dominic Roco ang tumambad na showbiz news sa unang araw ng buwan ng Oktubre.

Sangkot ang aktor sa isang buy-bust operation sa Quezon City.

Nakipag-ugnayan ngayong umaga, 10 a.m., ang Philippine Entertainment Portal sa Station 14 ng Quezon City Police District dahil dito kasalukuyang nakapiit si Roco at ang apat na kasama niyang akusado.

Ayon sa police officer na nakausap ng PEP.ph, ganap na 1:20 a.m. ng madaling araw ngayong Sabado, October 1, nang mangyari ang buy-bust operation sa isang townhouse sa Don Antonio Heights sa Barangay Holy Spirit.

Nasamsam sa grupo ni Roco at ng main target na si Reynaldo Sanchez ang labinglimang gramo ng pinaghihinalaang shabu, na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit sa PHP102,000 samantalang PHP14,000 naman ang diumano’y halaga ng sampung gramo ng marijuana na nakumpiska.

Hindi pa naglalabas ng pahayag ang anak ng veteran actor na si Bembol Roco tungkol sa kaso na kanyang kinasasangkutan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang reklamo na isasampa ng Quezon City Police district laban kay Dominic at mga akusado na kinabibilangan ng tatlong lalake at isang babae.

Ang latest project ni Dominic ay ang False Positive series na pinagbidahan nina Xian Lim at Glaiza de Castro.

May twin brother ang 33-year-old actor, si Felix, na 2019 ang huling nakatalang project nito sa pelikula at telebisyon.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kasama ang aktor na si Dominic Roco sa limang arestado sa isinagawang drug buy-bust operation ng Quezon City Police District.
PHOTO/S: File; DZBB Super Radyo on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results