Watch Now

Motion ni Vhong Navarro na huwag siyang ilipat sa Taguig City Jail, hindi kinatigan ng korte

by Jojo Gabinete
Oct 1, 2022
Vhong Navarro
"Denied" ang urgent motion ng kampo ni Vhong Navarro na huwag siya ilipat sa Taguig City Jail. Sa kasalukuyan, siya ay nasa NBI Detention Center.
PHOTO/S: @vhongx44 on Instagram

Tila mangyayari na ang kinatatakutan ng asawa, mga kamag-anak, kaibigan, at tagahanga ni Vhong Navarro.

Ito ay ang posibilidad na ilipat ang It’s Showtime host sa Taguig City Jail mula sa NBI Detention Center sa Maynila na kinaroroonan niya sa kasalukuyan.

Nakapiit sa NBI Detention Center si Vhong dahil sa kasong rape at acts of lasciviousness na isinampa laban sa kanya ng model na si Deniece Cornejo noong January 2014.

Ang Court of Appeals ang nag-utos sa City Prosecutor ng Branch 69 ng Taguig Regional Court na sampahan si Vhong ng kaso, base sa reklamo ni Cornejo.

At noong September 19, 2022, lumabas ang arrest warrant para sa non-bailable rape case kaya nanatili ang komedyante sa kustodiya ng NBI.

Nitong September 29, nagsampa ng petisyon ang kampo ni Cornejo na ilipat si Vhong sa Taguig City Jail dahil ang korte ng Taguig City ang naglabas ng warrant of arrest para sa criminal case na may numerong 6411.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naghain naman ng Urgent Motion ang kampo ni Vhong na manatili ito sa NBI facility dahil sa pagbabanta sa buhay nito, ayon sa natanggap na text message ng kanyang asawa na si Tanya Bautista mula sa isang anonymous sender.

Hindi napigilang lumuha ni Tanya nang humarap sa isang press conference noong September 21, at binanggit ang text message tungkol sa pagbabanta sa buhay ni Vhong.

Sa naturang presscon, nagpahayag ng pagkabahala si Tanya para sa kaligtasan ng asawa kung sakaling ilipat ito sa kulungan sa Taguig City.

“Lalaban kami, may case na, e. Lalaban kami at alam ko mapapanalo namin ito. But for the meantime, at least yung security niya, natatakot ako for him pag malipat siya sa Taguig,” ang bahagi ng pahayag ni Tanya.

Pero hindi pinaboran ni Presiding Judge Loralie Cruz Datahan ng Taguig Regional Trial Court ang Urgent Motion ng kampo ni Vhong na mamalagi ito sa NBI facility.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa dokumentong may lagda ni Datahan, dinenay ng korte ang kahilingan ng kampo ni Vhong.

"In his Supplement to the Urgent Motion, accused claims that his wife Tanya Winona Bautista received SMS message from an unknown person; ‘Pakisabi diyan sa Asawa mong rapist Mr Suabi, nag aantay kami Dito sa Taguig, pakibilisan.’"

Sinabi ng korte na hindi sapat ang mga ebidensiya na prinisinta ng kampo ni Vhong:

"After a thorough consideration of the arguments of both the prosecution and the defense, the Court finds that accused was not able to justify the need for his continued detention at the NBI facility.

"While accused would want this Court to believe his legitimate fears for his life and security, he, however, fell short of substantiating the same.

"The SMS message allegedly received by the accused’s wife could not be given credence. First, the motion did not attach proof of SMS message and second, the said message, on its own, could be interpreted in so many different ways, not necessarily as a threat to the life and security of the accused.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"It must also be emphasized that the city jail is mandated to exercise great care so that the human rights of the prisoners are respected and protected. Thus, in the absence of any evidence to the contrary, the presumption of regularity in the performance of duties by the jail personnel prevails.

"Therefore, premises considered, the Urgent Motion for the National Bureau of Investigation to Retain Custody Over the Person of the Accused is hereby DENIED for lack of merit.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Denied" ang urgent motion ng kampo ni Vhong Navarro na huwag siya ilipat sa Taguig City Jail. Sa kasalukuyan, siya ay nasa NBI Detention Center.
PHOTO/S: @vhongx44 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results