Naaalarma ang mga nagmamalasakit na empleyado ng television network dahil nagiging kampante ang production staff ng isang noontime show sa pagpapatupad ng safety protocols para malabanan ang COVID-19.
Dalawa sa mga miyembro ng production crew ng noontime show ang nag-positibo sa COVID-19.
Nababahala ang concerned employees dahil dati-rati, sumasailalim ang lahat sa swab test bago sila mag-report sa trabaho.
Pero hindi na ito ipinatutupad ng mga kinauukulan. Tumatanggap na ng studio audience ang noon-time show tulad ng nakasanayan bago pa nagkaroon ng pandemya noong 2020.
Ikinababahala rin ng concerned employees na hindi na nagkakaroon ng swab test para sa lahat ng mga tao na pumapasok sa studio kaya hindi talaga malalaman kung positibo o negatibo sila sa COVID-19.
Nananawagan sa television network management ang mga nagmamalasakit na empleyado na muling ipatulad nang mahigpit ang safety protocols sa lahat ng mga pumapasok sa studio para mapigilan ang banta at pagtaas ng kaso ng COVID-19 at para sa kapakanan ng lahat dahil hindi pa tapos ang pandemya.
As of October 2, 2022, sa tala ng Department of Health,3,953,866 ang total cases ng COVID-19 sa Pilipinas, 28,872 ang active cases, 3,862,001 ang gumaling at 63,013 ang namatay.
MORE BLIND ITEMS