Watch Now

Alexa Miro, nababatikos dahil sa Singapore trip nila ni Sandro Marcos

by Jojo Gabinete
Oct 3, 2022
Alexa Miro, Sandro Marcos, and Aniela Tolentino
Sexy star Alexa Miro (in white sleeveless top on left photo and white long-sleeved top on right) seen partying with Ilocos Norte Second District Representative Sandro Marcos and Cavite Eight District Representative Aniela Tolentino (white floral top).
PHOTO/S: Aniela Tolentino Instagram Story / Singapore Grand Prix website

Nadadamay ang sexy star na si Alexa Miro sa mga batikos sa panonood ni President Ferdinand Marcos Jr. ng Formula 1 Singapore Grand Prix na ginanap sa Singapore noong Linggo, October 2, 2022.

Personal ang mga batikos kay Alexa dahil kasama siya sa Singapore ni Ilocos Norte District 2 Representative Sandro Marcos.

Si Sandro ay anak ni Marcos Jr. at rumored boyfriend ni Alexa.

Ang litrato ni Alexa na hawak ang baso na naglalaman ng red wine, at kakukwentuhan si Sandro at isang personalidad ang matibay na ebidensya ng biyahe nila ni Sandro sa Singapore.

Nag-ugat dito ang “below-the-belt” na pagbatikos kay Alexa, tulad ng pagkuwestiyon ng ilang netizens kung pera raw ba ng bayan ang ginastos sa trip na iyon.

Alexa Miro and Sandro Marcos in Singapore

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Alexa Miro and Sandro Marcos in Singapore

Alexa Miro and Sandro Marcos

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Alexa Miro and Sandro Marcos in Singapore

Alexa Miro and Sandro Marcos

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ALEXA AND SANDRO'S REPORTED RELATIONSHIP

Mula nang maugnay siya kay Sandro, pinutakti si Alexa ng batikos sa social media, at minsan na niyang inamin na iniyakan niya ito dahil hindi siya sanay na binabatikos.

Unang nakaranas si Alexa ng mga panghuhusga nang kumalat noong June 2022 na siya ang inililihim na karelasyon ni Sandro—isang impormasyon na nanggaling din mula sa kanyang kampo.

Iniyakan ni Alexa ang insidente at pinilit niya na pabulaanan ang tsismis, pero hindi siya nagtagumpay dahil sa mga okasyon na nakikita na magkasama sila ni Sandro.

Nang manumpa si Sandro sa Malacañang Palace noong June 30, 2022 bilang bagong halal na kongresista ng District 2 ng Ilocos Norte ay namataan sa okasyon si Alexa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napansin ng mga miyembro ng entertainment press na nakausap noon ni Alexa, na sa kabila ng pagtanggi nito tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Sandro, ang dalaga rin ang nagbibigay ng pahiwatig na nagkakamabutihan sila.

Hindi nakagugulat kung muling iyakan ni Alexa ang mga bago at wagas na batikos sa kanya dahil kasama siya ng mga Marcos sa Singapore.

Naiwasan sana ito kung naging maingat ang dalaga sa mga social media post o sa pagpapakuha ng litrato.

Bukod sa litrato nina Alexa at Sandro na lumabas sa official website ng Singapore Grand Prix, nakita rin ng netizens ang Instagram Story ni Cavite Eight District Representative Aniela Tolentino kasama ni Alexa.

Madalas na nasasangkot sa mga intriga at kontrobersya ang mga pulitiko at mga showbiz personality, kung hindi man sa kanilang social media posts ay paglabas sa publiko na hindi masyadong pinag-iisipan.

Ito minsan ang dahilan kaya sila naaakusahang insensitive at inconsiderate sa damdamin ng ibang mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kasalukuyan, wala pang official statement sina Alexa at Sandro hinggil sa isyu. Nananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga nabanggit na personalidad sa artikulong ito.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sexy star Alexa Miro (in white sleeveless top on left photo and white long-sleeved top on right) seen partying with Ilocos Norte Second District Representative Sandro Marcos and Cavite Eight District Representative Aniela Tolentino (white floral top).
PHOTO/S: Aniela Tolentino Instagram Story / Singapore Grand Prix website
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results