Watch Now

Ricky Lee, ibinahagi ang pagbabago sa buhay nang hiranging National Artist

by Jojo Gabinete
Oct 5, 2022
Ricky Lee, Mac Alejandre, and Andrea del Rosario
Ricky Lee (right) joins mediacon of May-December-January starring Andrea del Rosario (center). Ricky is the writer of the screenplay and the director is his good friend Mac Alejandre (left).

Sa kabila ng mga hindi na mabilang na parangal dahil sa kanyang mahusay na pagsusulat ng mga kuwento para sa pelikula at telebisyon, nananatili na mahiyain at magpakumbaba ang National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee.

Ramdam na ramdam ito nang dumalo siya sa media conference ng May-December-January na ginanap noong Martes, October 4, 2022.

Ang May-December-January ang unang pelikula na isinulat ni Ricky matapos siya hirangin bilang National Artist.

Tampok sina Andrea del Rosario, Kych Minemoto, at Gold Aceron, ipapalabas ito sa October 12.

Sumipot si Ricky sa press conference, na bihirang-bihira niya na ginagawa, bilang suporta kay McArthur “Mac” Alejandre, ang kanyang matalik na kaibigan at direktor ng pelikula.

Tinanong siya tungkol sa mga pagbabago sa buhay niya mula nang ipagkaloob sa kanya ang pinakamataas na karangalan bilang Alagad ng Sining sa Pilipinas.

"Malaking hassle” ang nakangiti at tila nahihiya na sabi ni Ricky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy niya, "Ang ibig sabihin ng hassle, naging title ako, most of the time, kesa tao.

"Ang dami-daming imbitasyon, maging speaker, maging juror, maging this and that…ang dami-daming imbitasyon.

"And then, tuwing lumalabas ako, nahihiya ako na may atensyon sa akin. Dati, masaya na ako kung sino lang ang nakakakilala. I like that mystery.

"Ngayon, halos nawawala na iyon. Ang dami nang lumalapit at ang attention, naka-focus. Parang nawala yung sarili ko, napalitan ako ng title.

"So in a way, yun ang reasoning kanina na 'medyo hassle.'"

Pero batid din ni Ricky na may paraan para mas maging kumportable siya sa tinamong titulo na National Artist.

"But I’m really happy because it focuses attention on writers, not just me.

"So kung focus ang title sa akin, I keep reminding myself, hindi sa akin naka-focus iyon, sa writers in general, and I should be happy for them and for all of us," ang maayos na paliwanag ni Ricky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dumami man ang mga imbitasyon sa kanya bilang hurado o guest speaker, pinipilit ni Ricky na mapagbigyan ang lahat dahil sa kanyang simple pero kapuri-puri na katwiran.

Aniya, "Hanggang kaya kong puntahan, pupuntahan ko. Parang ang feeling ko kasi, I will show up para sa mga writer, hindi para sa akin.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ricky Lee (right) joins mediacon of May-December-January starring Andrea del Rosario (center). Ricky is the writer of the screenplay and the director is his good friend Mac Alejandre (left).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results