Ai-Ai delas Alas, "nagluka-lukahan" para makapasok sa luxury store sa Italy

by Jojo Gabinete
Oct 6, 2022
Ai-Ai delas Alas
Ai-Ai delas Alas on laugh-trip experience at a high-end store in Italy back in the '90s: "Kaloka talaga. Katangahan na ipinaglaban ko ang sarili ko. Ipinagpilitan ko talaga sa guard na, 'I'm alone! I'm alone! I'm not one of them!'"
PHOTO/S: @msaiaidelasalas Instagram

Naranasan ni Ai-Ai Delas Alas na magkaroon ng Oprah Winfrey moment sa Italy; pero ang pagkakaiba lang, mas nauna ang Filipino comedienne na nakaranas na hindi papasukin sa branch ng high-end retailer na Salvatore Ferragamo noong dekada ’90.

Hindi katulad ng ibang mga showbiz personality, hindi siya nagpanggap na "pa-victim" dahil inamin ng Comedy Queen ang kanyang "kagagahan" at "katangahan."

Nagkaroon noon ng show si Ai-Ai sa Italy at kasama niya ang magkapatid na Randy at Raymart Santiago.

At the time, struggling comedienne pa lamang si Ai-Ai dahil hindi pa ito nagbibida sa mga pelikula.

Sa pamamasyal nila, nakita niya ang tindahan ng Salvatore Ferragamo kaya pumasok sa kanyang isip na bumili ng leather wallet.

"Nangyari ang insidente noong ‘90’s. May regulation na talaga sa Italy na kapag branded store, kailangan pumila ang mga kostumer.

"E, hindi ko naman alam na dapat pumila. Ang akala ko, excursion ang mahabang pila ng mga Japanese kaya aligaga at dire-diretso ako na pumasok.

"Pagdating ko sa main entrance, hinarang ako ng guard. Nagluka-lukahan ako at naggalit-galitan. Sinabi ko sa guard na, 'Bakit ayaw niyo akong papasukin? Bakit, kayo ba kilala niyo si Phillip Salvador na katunog ng pangalan ng store niyo? Kilala ko yon!'"

Nangatuwiran pa si Ai-Ai na noo'y hindi pa sanay na mamili sa high-end store.

Tawa nang tawang kuwento pa niya: "Kaloka talaga. Katangahan na ipinaglaban ko ang sarili ko. Ipinagpilitan ko talaga sa guard na, 'I'm alone! I'm alone! I'm not one of them!'

"E, Italyano yung guard. Siyempre, hindi ko naintindihan ang sinasabi niya na pumila ako. Talagang laban lang ako pero yun pala, pinapipila niya ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tawang-tawa sina Randy at Raymart sa kagagahan ko. Hindi ko naman kasi talaga alam na kailangan pumila so umalis na lang ako dahil napakahaba ng pila.

"Okay na rin na hindi ako pinapasok sa loob ng tindahan. Wag na akong mag-feeling can afford, baka mamaya wala naman pala akong pambili dahil mahal nga ang presyo ng wallet.

"Ang ending, araw-araw ko na hinihingan si Raymart ng wallet. Pag-gising pa lang niya, 'Raymart, nasaan ang wallet ko?'

"Buwisit na buwisit siya sa akin. Finally, ibinili niya ako ng wallet. Sabi niya, 'Ayan, p***ng-ina, saksak mo sa baga mo yung wallet!'"

Noong October 2, nagkita sina Ai-Ai at Raymart sa Pasasalamat Show ng cast ng FPJ's Ang Probinsyano sa California.

Nagkatawanan ang dalawa dahil naalaala nila ang kuwento ng wallet na nagbigay sa Comedy Queen ng kahihiyan sa Italy, pero nag-iwan sa kanya ng importante na aral tungkol sa humility.

Postscript. Pinag-usapan noon ang kuwento ni Oprah Winfrey na biktima ito ng diskriminasyon nang tumanggi ang salesclerk ng Louis Vuitton sa Rome, Italy na ibenta sa kanya ang bag na nagustuhan niya at sinabihan siya na

"This bag is only for Italian people. It’s only for the Italian people, and perhaps you can go to your own country and you can find a bag in your country," sabi noon kay Oprah.

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
Read More Stories About
Ai-Ai delas Alas, luxury
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas on laugh-trip experience at a high-end store in Italy back in the '90s: "Kaloka talaga. Katangahan na ipinaglaban ko ang sarili ko. Ipinagpilitan ko talaga sa guard na, 'I'm alone! I'm alone! I'm not one of them!'"
PHOTO/S: @msaiaidelasalas Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results