Vhong Navarro, "roller coaster" ang pakiramdam sa pagkaka-detain sa NBI facility

by Jojo Gabinete
Oct 7, 2022
vhong navarro willy cuevas inside the car
Direk Willy Cuevas (right) on Vhong Navarro: “Nung magkita kami ni Vhong, niyakap niya ako. Parang maiiyak siya nang makita niya kami ni Ruby [Willy's wife]. Nakakalungkot naman. Tinanong siya ni Ruby, ‘Ikaw, kumusta ka na?’ Sabi niya, roller coaster daw. May days na okay naman pero may days na umiiyak lang siya."
PHOTO/S: @vhongx44 on Instagram / @tagaakay on Instagram

"In high spirits" ang pagsasalarawan ng writer at creative director na si Willy Cuevas sa kaibigang si Vhong Navarro nang dalawin niya ang comedian-TV host sa National Bureau of Investigation (NBI) facility, sa Maynila, nitong Biyernes ng tanghali, October 7, 2022.

Read: Vhong Navarro lawyer baffled by revival of rape case against comedian-TV host

Nakakulong si Vhong sa NBI facility mula pa noong September 20, 2022 dahil non-bailable o walang piyansa ang rape case na reklamo laban sa kanya ng model na si Deniece Cornejo noong January 2014.

Malalim ang pagkakaibigan nina Willy at Vhong dahil nagkasama sila noon sa mga show ng ABS-CBN.

Ang gag show na Yes, Yes Show! at noontime program na MTB: Ang Saya Saya ang ilan sa mga dating show na pinagsamahan nila sa Kapamilya Network.

Kasama ni Willy sa pagdalaw kay Vhong ang kanyang misis na si Ruby. Naabutan nila sa NBI facility ang asawa ni Vhong na si Tanya Winona Bautista Navarro, ang ina ng komedyante, at ang manager nitong si Chito Roño.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kapag weekdays, mula 10 a.m. hanggang 2 p.m. ang oras ng dalaw. Tuwing weekend, 10 a.m. hanggang 1 p.m.

"Nagpaabiso kami na darating dahil kailangan ipaalam muna kay Vhong ang mga dadalaw sa kanya, at pumayag siya.

“Okay naman siya. Nang dumating ako, nandun ang nanay niya. Tinanong ko ang pangalan kasi hindi ko alam, si Mommy Imelda.

"Tapos ang tunay na pangalan pala ni Vhong, Ferdinand…” kuwento ni Willy, at natawa kami sa kanyang sinabi dahil hindi pa rin nawawala ang husay niya sa mga punchline.

Patuloy ni Willy, “Binigyan namin si Vhong ng mga inspirational book na Max Lucado at Joyce Meyer 'tapos ipinagdasal namin siya ni Ruby.

“Nagpunta kami sa isang side, tinawag ko siya at ipinagdasal bago kami umalis.

"Hanggang 2 p.m. lang ang dalaw. Kapag malapit na ang 2 p.m., magbe-bell na para mag-uwian na ang mga bisita.”

vhong navarro books

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dahil sa salaysay ni Willy tungkol sa pagdalaw niya kay Vhong, mabibigyan ng idea ang publiko ng sitwasyon ng komedyante sa NBI facility.

Read: Vhong Navarro detained at NBI after voluntary surrender in rape case

Kuwento pa ni Willy, “Nung magkita kami ni Vhong, niyakap niya ako. Parang maiiyak siya nang makita niya kami ni Ruby. Nakakalungkot naman.

“Tinanong siya ni Ruby, ‘Ikaw, kumusta ka na?’ Sabi niya, roller coaster daw. May days na okay naman pero may days na umiiyak lang siya.

“At least, gumaan ang pakiramdam niya dahil marami ang dumadalaw sa kanya.

"Dumating din si Dulce, yung singer. Ipinag-pray din siya. Nag-iyakan sila. Binigyan siya ni Dulce ng Holy Bible.

“Ang sinabi ko kay Vhong, 'Tingnan mo lang ito na kunwari nasa lock-in taping ka. Andito naman kami, dadalawin ka namin.'”

Ikinababahala ni Vhong ang ilipat siya sa Taguig City Jail mula sa NBI facility, pero pinayuhan ito ni Willy na huwag mangamba kung sakaling mangyari ang kanyang kinatatakutan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Tanya Winona Bautista-Navarro fears for husband Vhong Navarro’s safety if transferred to Taguig City Jail

“Sabi ko sa kanya, huwag siyang matakot kasi hindi siya pababayaan ng Diyos,” sabi ng direktor.

Nagpapasalamat si Willy sa mga tauhan ng NBI dahil maayos ang sistema ng pagdalaw sa mga nakapiit, pero mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng cell phone.

Naghain ng mosyon ang kampo ni Deniece na mula sa NBI facility ay ilipat si Vhong sa Taguig City Jail dahil sa kanilang katuwirang nakasampa sa Taguig City Regional Trial Court ang mga kaso ng rape at acts of lasciviousness.

Read: Deniece Cornejo camp seeks immediate transfer of Vhong Navarro to Taguig City Jail

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Willy Cuevas (right) on Vhong Navarro: “Nung magkita kami ni Vhong, niyakap niya ako. Parang maiiyak siya nang makita niya kami ni Ruby [Willy's wife]. Nakakalungkot naman. Tinanong siya ni Ruby, ‘Ikaw, kumusta ka na?’ Sabi niya, roller coaster daw. May days na okay naman pero may days na umiiyak lang siya."
PHOTO/S: @vhongx44 on Instagram / @tagaakay on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results