Janelle Tee, aminadong may lihim na itinatago

by Jojo Gabinete
Oct 9, 2022
Janelle Tee
PHOTO/S: @_janelletee Instagram / An/Na mediacon

Kahit medyo nagkalaman ang mga pisngi ng sexy actress na si Janelle Tee nang humarap ito sa entertainment writers para sa digital media conference ng An/Na, hindi mahahalata na may pinagdaraanan siya.

Idineklara niya noong nakaraang buwan ang indefinite leave sa social media dahil sa pinagdaraanan na nakakaapekto na umano sa kanyang mental health.

Kung may itinatago man ngayon si Janelle na sikreto, sigurado na hindi ito malalaman ng publiko dahil sa kanyang makahulugan na pahayag sa mediacon ng An/Na.

"Lahat naman tayo may sikreto. Yes, of course, I do have and I wanna keep it as long as …I think I should keep it kasi kaya nga siya secret. Bakit ko sasabihin, di ba? Hanggang sa kamatayan ko na rin," ang sabi ni Janelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang prostitute o babae na nagbebenta ng katawan ang karakter na ginagampanan sa original series ng Vivamax.

Hinding-hindi niya umano magagawa iyon sa tunay na buhay.

"Hindi ko kaya. I am Anna, I’m also Mei Ling in the series so in a way, you got a feel of how it is to be in that situation," saad ni Janelle sa dual life ng kanyang karakter.

Sabi pa niya sa sitwasyon ng isang sex worker: "Ang hirap na iba-iba yung kostumer mo. Iba-iba yung ka-sex mo na hindi mo naman kilala pero bayad ka, natutustusan.

"Hindi ko masabi unless ma-experience ko. But sa ngayon, based sa na-experience ko sa An/Na, hindi ko siya kaya talaga.

"Gagawa na lang ako ng ibang paraan like magbebenta ako, magnenegosyo ako ng kung anu-ano, huwag lang ibenta yung katawan ko," ang may determinasyon na pahayag ni Janelle.

Breadwinner siya ng pamilya kaya natuto siya ng mga diskarte para matustusan ang kanilang mga pangangailangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I can really relate to Anna in a sense na kasi nga I’m the breadwinner of the family.

"Mas mahirap back then kasi talagang raketera ako. Parang kung anong raket, mapa-hosting man, joining pageantry.

"So I think na-solusyonan ko siya through just knowing that God really provides."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @_janelletee Instagram / An/Na mediacon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results