Watch Now

Kean Cipriano, nagbigay-pugay sa misis na si Chynna Ortaleza

by Jojo Gabinete
Oct 21, 2022
kean cipriano chynna ortaleza couple
Kean Cipriano on wife Chynna Ortaleza: “Siya ang in-charge sa management side and taking care of these artists, sa mga baliw na artist. It’s not easy for her also so I thank her for making things work not just for the company but also at home.”
PHOTO/S: @chynsortaleza on Instagram

Pinarangalan ni Kean Cipriano ang kanyang misis, ang aktres na si Chynna Ortaleza, sa media conference ng Pulso na ginanap sa isang restaurant sa Pasig City kahapon, October 20, 2022.

Sina Kean at Chynna ang mga founder ng O/C Records music label—initials ng mga apelyido nila ang O/C—na namamahala na rin ng career ng mga mang-aawit at artista.

Read: Chynna Ortaleza "living her dream" as music label head

Pulso naman ang pamagat ng concert ni Kean at ng mga O/C talent na sina Unique Salonga at Adie Garcia sa New Frontier Theater sa November 29, 2022.

kean unique adie

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinamantala ni Kean ang pagkakataon sa press conference ng Pulso para pasalamatan si Chynna sa malaking kontribusyon nito sa kanilang kompanya na mayroon nang apatnapung (40) contract stars, kabilang ang aktor na si Gold Aceron.

Read: Chynna Ortaleza on husband Kean Cipriano: "Sobrang solid niyang tatay."

“Gusto kong i-honor si Chynna for doing everything she can for O/C. Isa siya sa main driving force ng O/C kaya nagwo-work ito.

“Siya ang in-charge sa management side and taking care of these artists, sa mga baliw na artist.

“It’s not easy for her also so I thank her for making things work not just for the company but also at home,” pasasalamat ni Kean, na natawa sa kanyang biro tungkol sa mga contract artist nila.

CHYNNA'S HEALTH ISSUE

Kasama ni Kean si Chynna at ang kanilang dalawang anak sa media conference ng Pulso kaya nakausap ng Cabinet Files ang 39-year-old actress.

chynna ortaleza kean cipriano children

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkaroon ng mga health issue si Chynna sa panahon ng coronavirus pandemic na malaking dahilan ng kanyang pangangayayat.

Ikinuwento ni Chynna na ang pagkakaroon niya ng Leaky Gut Syndrome, isang kundisyon ng pagtunaw na binibigyang-daan ng intestinal lining ang pagdaloy sa dugo ng bacteria at toxins, ang sanhi ng pagbagsak ng sa 87 pounds kanyang timbang.

Read: The reason behind Chynna Ortaleza's drastic weight loss

Sinabi ni Chynna na na-realize nitong nagsimula ang problema niya sa kalusugan nang sumakabilang-buhay noong May 2019 ang kanyang ama, ang popular advertising man na si Gryk Ortaleza.

Tulad nang naranasan ng lahat ng mga tao sa buong mundo, nakaapekto rin sa aktres ang stress na dulot ng pandemya.

Unti-unti nang nagkakakalaman si Chynna at kahit nangayayat, may positibo itong epekto dahil mapagkakamalan siyang teenage actress sa edad na 39.

Hindi man siya aktibo sa pag-arte, ang pamamahala sa O/C ang pinagkakaabalahan ni Chynna.

KEAN'S EYE FOR TALENT

Nagpapasalamat siya sa kanyang pumanaw na ama dahil ito ang nagkumbinsi kay Kean na subukang mamahala ng career ng mga artista at ng mga mang-aawit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tatay ni Chynna ang unang nakapansing may mata at pulso si Kean sa paghahanap ng mga taong may talento at malaki ang pag-asang magkaroon ng pangalan sa entertainment industry tulad ng discovery ng kanyang manugang, ang singer at songwriter na si Arthur Nery.

Kailan napagtanto ni Kean na may mata at pulso siya sa paghahanap ng mga baguhang sisikat sa showbusiness?

Sagot niya, “Noong una siyempre, tina-try ko na i-brush off. Baka tsamba lang.

"Pero nung tuluy-tuloy na siya na nangyayari, hindi na tsamba ito.

“Parang tama yung pulso. Parang tama dahil numbers don’t lie. When the song is a hit, it’s hit.

“Parang ngayon, I wanna hear more. Nakaka-addict pala na magkaroon ng hit songs, whether sa sarili mo o sa artists mo.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kean Cipriano on wife Chynna Ortaleza: “Siya ang in-charge sa management side and taking care of these artists, sa mga baliw na artist. It’s not easy for her also so I thank her for making things work not just for the company but also at home.”
PHOTO/S: @chynsortaleza on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results